23

633 21 3
                                    

Daniel's POV

Pag-uwi ko, bago palang kumakain si Margaret at Mama. Aba, wala na naman si Mella? Napapadalas ah.

Nagmano ako kay Mama pero binatukan niya na naman ako. "Ma!" Sabi ko kaagad. Wala naman akong ginagawa eh.

"Bakit gabi ka na?" Kaswal na tanong ni Mama sakin.

Pumasok na muna ako sa kwarto para ibaba 'yung bag ko. "May pinuntahan lang." Sagot ko. Rinig pa rin ni Mama 'yun dahil hindi naman ganun kalaki bahay namin.

"Kumain ka na dito, Daniel." Tawag ni Mama sakin pagkain habang nagbibihis ako sa kwarto.

Ilang sandali pa ay lumabas na ako sa kwarto para kumain. Sarap, galunggong! Masarap yung ginagawa ni Mama na sawsawan sa ganito eh, yung toyo na may ginisang kamatis? Ang sarap!

Umupo na ako para kumain, tumayo na si Margaret kanina at nagbabasa na sa isang tabi. Si Mama naman nakaupo pa rin sa mesa, nagpapahinga siguro.

"Ma, si Mella?" Naalala ko, nasan ba 'yung batang iyon? Sumandok na ako ng kanin at kumuha ng galunggong.

"Nagtext sakin kanina, gagabihin daw ng uwi." Sabi ni Mama. Aba naman, si Mama kasi pag sinabi ni Mella na para sa project okay lang dahil para sa grade.

Walang project-project sakin. Pag sinabi kong umuwi ka, dapat umuwi ka. Maligalig din 'tong si Mella eh, pag pinagsasabihan lalong tumitigas ang ulo.

"Aba't alas nwebe pasado na wala pa rin hanggang ngayon? Hindi ba nagtetext?" Sabi ko habang tuloy tuloy lang ako pagkain.

"Kanina pang alas otso, tatapusin pa raw nila." Sa boses ni Mama, parang pagod na siyang pagsabihan si Mella. Kung siya pagod, ako hindi.

Tumayo ako kahit hindi pa ako tapos kumain. Kahit gutom na ako at pagod dahil sa trabaho, ipagpapaliban ko muna para dito. Naghugas ko ng kamay at nagpunas agad.

Kinuha ko ang cellphone ko. May pantawag pa ako, bukas pa tapos ng unli ko kasi inextend ko naman. Pagka-dial ko sa number ng pinakabata kong kapatid, ilang ring pa bago siya sumagot.

[Hello, Kuya?] Sagot niya sa tawag.

"Mella, umuwi ka na." Kalma kong sabi sa kanya.

[Kuya kailangan pa kasi naming--]

"Uuwi ka ba o susunduin pa kita diyan? Umuwi ka na, ngayon na." Matigas kong sabi sa kanya. Wag niya akong sinusubukan.

Narinig ko ang pagsasalita niya dahil kinausap pa siya ng kasama niya doon. [Kuya, tatapusin ko lang talaga 'to. Please, Kuya.]

"Hindi. Carmella, umuwi ka na." Matigas kong sabi. Magpapatalo ba ako dito eh baka mapahamak pa si Mella pag lalong nagpagabi.

[Kuya...] Pamimilit pa niya sa gusto niya.

"Umuwi ka na dito, Carmella. Pag hindi ka pa umuwi, sinasabi ko sayo." 'Yan ang huli kong sabi bago ko binaba 'yung tawag.

Agad akong pumunta sa kwarto para kunin 'yung wallet ko. Ayaw umuwi, eh di sunduin. Paglabas ko halatang gulat si Mama.

"Hoy, saan ka pupunta? Uuwi na 'yun, kumain ka nalang dito." Naiiling na sabi sakin ni Mama.

"Ma, walang maghahatid dun pauwi. Hindi pwede baka kung ano pang mangyari dun." Sagot ko naman.

"Tumigil ka. Umupo ka dito, uuwi na 'yun. May maghahatid doon wag kang OA diyan."

Si Margaret naman nandoon pa rin sa kinauupuan niya, nagaaral. Masipag na bata rin 'yang si Margaret eh. May pangarap talaga sa buhay kaya nagsisikap.

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon