2

1.6K 22 6
                                    

Nagising ako dahil sa ingay. Ingay ng tao na sabay sabay nagsasalita, tinalo pa ang ingay ng tv. Ano bang nangyayari? Pagmulat ko naman ay nabasa ko kaagad ang headline sa tv. Ako? Fashion Icon nga pala ako dito.

What's the big deal? Kung sa fashion lang ako, bakit naman ako mapupunta sa news? Nilipat lipat ni mommy ang channel, pero puro mukha ko lang ang nakikita namin. Sopistikada pala akong manamit, red lipstick kung red lipstick, at mas maganda ako dito kaysa sa panaginip ko.

"Ria Lopez, girlfriend of Enrique Gil, is finally awake!"

Halos mapamura ako nang marinig ko yun. Katulad ni Julia Barretto sa panaginip ko, kakambal din ng pangalan ko si Enrique. This is bad, ayoko ng ganito!

Ang mga ingay na naririnig ko kanina ay mga reporters sa labas ng kwartong 'to. Paano ako lalabas kung ganyan kadami ang tao? Ganito ba talaga ang pinili kong buhay? Ang maging sikat? Parang hindi ko naman ginusto 'to.

"Ria, eat. Kailangan mong magmukhang healthy bukas, lalabas ka na. Madaming makakakita sa'yong reporters and paparazzis." Sabi ni Mommy at binigay sakin ang sobrang daming pagkain. This is healthy, puro salad at fruits.

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa sinasabi ni mommy. Mommy ko ba talaga 'to? Parang masyado siyang nagke-care sa pagiging sikat ko. I can handle myself naman diba? Kumain nalang ako at hindi pinansin ang sinabi ni mommy. Halos maubos ko lahat ng pagkain, parang gutom na gutom ako. Well, ang daming nangyari sa panaginip ko, nakakagutom talaga 'yun.

Dumating naman si Jake at Franchesca habang nililinis ng isang babae (baka maid namin) yung pinagkainan ko. May dala si Jake na fruits. Si Franchesca naman may dalang yearbook at photo albums. Magkakilala na ba kami noon pa?

"Ang hassle talaga pag best friend ng boyfriend mo ang kaibigan mong Ria Lopez," Natatawang sabi ni Franchesca. Masasanay din ako sa mga pangalan nila, konting practice lang siguro.

"Ano 'yan?" Tanong ko, may dala kasi siyang yearbook at photo albums.

"Dumaan kasi kami ni Jake sa bahay n'yo, kinuha ko 'to sa room mo." WHAT? Nagpapapasok ako sa kwarto ko? Private space ko 'yun! Hindi dapat ako nagpapapasok dun!

Binigay niya 'yung yearbook sakin at binuksan ko kaagad. Madami akong nakitang mukha na hindi talaga pamilyar. Nung nasa section na namin, 4-Diamond, may punit na page. "Bakit may punit na page?" Halatang halata kasi pagkakapunit. Pinunit ko ba 'to?

"Baka... baka ano.. tinapon mo dati pa." Si Jake ang sumagot nung tanong ko. Tumango tango nalang ako at tumingin ulit sa yearbook.

May nakita akong lalaki. "Eusebio. Robert?" Napalakas ako ng sabi. Ito ba 'yung sinasabi nilang ex ko? Chinito at mukhang good boy naman eh. "Siya ba 'yun?" Tumango si Franchesca at dahan dahang kinuha yung yearbook sakin.

"May album ka na puro pictures n'yong dalawa. First boyfriend mo kasi 'tong si Robi." Sabi naman ni Jake. Robi siguro yung nickname nitong Robert na'to. "Habang nagpapahinga ka, ikwekwento namin kung sino ka talaga." Saad ulit ni Jake at ngumiti siya.

Binigay niya sakin 'yung photo album. Madami talaga kaming pictures. Selfies na sweet. Tapos may picture pang nagsasayaw kami, nang nakayakap ako sa kanya. Mukha talaga siyang good influence sa akin noon. Kitang kita ko ang wide na ngiti ko. Ganyan ang ngiti ko kapag kasama ko si DJ.

May fun run pictures din kami. Sumasama pala kami sa fun run? Masyado akong walang alam sa sarili ko. Teka, bakit may mga ginupit na pictures? Parang group pictures 'to. Bakit ko naman gugupitin 'to? Galit ba ako sa mga taong nandito?

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon