17

890 25 6
                                    

Daniel's POV

Kakalabas ko lang ng isang lugar na pwede akong magtrabaho, tatawagan nalang daw ako. Alam ko na naman 'yun. Kung hindi ako sasabihan ng tanggap na ako, hindi ako tanggap. Hindi naman dapat magintay pa ng tawag.

Saan naman kaya ako maghahanap ng trabaho? May tatanggap kaya sa isang lalaki na high school lang ang natapos? Kung meron man, bakit hindi ko mahanap?!

Ngayon, nandito ako sa bilihan ng fishball. Ito lang ang pwede kong bilihin, 20 pesos nalang kasi ang pera ko. Pantawid gutom na nga lang din 'to eh, ayoko kasing biglang magcollapse nalang dyan.

Nakasandal ako sa pader na malapit sa bilihan ng fishball nang biglang magring ang cellphone ko. Si JD ang tumatawag. "May gig?" Tanong ko kaagad pagkasagot ko ng tawag.

[Meron! Ayos 'tong gig na 'to, 10k!] Halos mabuga ko na yung kinakain ko dahil sa narinig ko.

"Anong oras?" Tinapon ko na yung stick ng fishball sa basurahan.

[4:30. Text ko address.] Sagot niya. Nagpasalamat ako sa kanya bago ko binaba yung tawag.

Maaga pa naman ngayon, mainit nga lang talaga kaya kailangan ko ng kumilos. Ano pa bang trabaho ang kaya ko? Halos lahat nga ginagawa ko na, ano pa bang kulang?

Teka, tawagan ko nga si Robi baka may alam siyang trabaho na pwede akong magapply. Wala pang tatlong ring sumagot na.

[Daniel!] Masigla niyang bati.

"Bregs..." Sagot ko naman, di ko nga lang napantayan yung sigla ng boses niya.

Natawa agad siya. [Emo? Bakla ka na naman. Problema mo? Nakausap mo na si Chandria 'no? Mahal mo pa 'yun bregs di mo lang—]

"Parang gago 'to." Sagot ko kaagad. Mayroon pa akong mas malalalim na bagay na dapat problemahin kaysa kay Chandria, hindi na ako bata. Kailangan alam ko na ang mga bagay na dapat kong inuuna.

[Oh, eh anong problema mo? Boses mo palang parang ready ka ng maglaslas.]

Naglakad na ako palayo sa bilihan ng fishball. "Puro ko kalokohan eh." Napakamot ako sa ulo ko tapos umupo ako sa may bench sa malapit na waiting shed.

[Nakausap mo na si Chandria kaya ka problemado.] Parang siguradong sigurado siya ah. Proud na proud ang pagkakasabi.

"Hindi pa nga," Kontra ko. "Hindi ko nga dapat pinoproblema 'yan kasi may mga mas importanteng bagay pa akong dapat asikasuhin."

[Bitter mo. Parang kakausapin lang eh. Mga, ano lang yun, 30 minutes. Wala ka bang pahinga sa kakakayod?] Tss.

"Wala nga akong oras."

[Kahit 30 minutes, wala?]

"Wala nga."

[Wala pero nakakausap mo ako ngayon. Galing, bregs, reasons!] Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ulit. [Kakausapin lang naman. Kahit itext mo lang muna tapos kausapin mo. Yun lang! Mahirap ba yun?]

Sobrang hirap. Ilang taon ko na bang pinipilit na alisin sa isip ko yung ginawa niya? Tatlo? Pero parang kailan lang, iniwan niya ako, diba? Masakit pa rin kasi. Kahit na may iba na akong nakakasama, may iba na akong mahal. Nandito pa rin siya, kasama niya yung sakit.

"Ang hirap, bregs, parang imposible."

[Paanong mahirap? Explain mo nga, dali!] Sabi niya agad.

"Masakit pa nga kasi."

[Hindi ba masakit yung iniwan ako ni Chandria para sayo?]

Natahimik naman agad ako dun. Oo nga, mas masakit yun pero kinaya niya. Kailan ko kaya makakalimutan yung ginawa ni Chandria sakin?

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon