21

736 25 3
                                    

Chandria's POV

Isang oras nalang ay alas sinko na. Nandito kami ni Chesca sa coffee shop sa ground floor ng LFI building. Naiinip na ako. Gusto ko na makausap si Daniel tungkol sa dapat naming pagusapan.

Kanina pa kami tahimik ni Chesca dito, siya naman nagtetext lang tapos ako walang ginagawa. Baka may ikekwento naman 'tong kasama ko na ikabubuko na naman niya.

"Saan si Jake? Di na kami gaanong nagkikita ah." Tanong ko sa kanya. Ay, lagot, diba pag best friends dapat laging may connection?

Ah, kahit hindi pala palagi. Kahit kumustahan lang o kaya puntahan ako sa bahay once or twice a week. Basta may connection. Diba ganun dapat? Kahit isang kumusta na text galing kay Jake wala akong natatanggap eh. Paano naman ako maniniwala na best friend ko siya kung effortless siya?

Nagtetext pa rin si Chesca. Pangiti ngiti pa nga siya eh. Hindi yata ako narinig? Masyadong happy sa katext? Hmm, sino ang katext?

"Chesca, huy." Ulit kong pagtawag sa kanya. Wala pa rin siyang reaksyon. Mukhang wala akong mapapala dito sa coffee shop hanggang alas singko.

Wala pa man din akong number ni Daniel. Hindi ko na naisip na kuhanin kahapon, hindi man lang sumagi sa isip ko 'yun. Masyado akong nadala sa pangyayari, feeling ko kasi talaga ayun na ang chance na iniintay ko.

Chance para saan?

I shook my head to dismiss my thoughts. Kailangan ko palang itanong kay Arrise kung naroon pa si Daniel. Baka umalis na sa sobrang tagal ko.

Tumayo ako at bago palang napansin si Chesca ang presensya ko. Nagulat siya kasi bigla akong tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Powder room." Sagot ko naman. Tumango siya at umalis na ako sa kinauupuan ko. Hindi ako nagsabi sa kanya, sinagot ko lang yung tanong niya.

Pagdating ko sa powder room, ako lang ang nasa loob. Tatawagan ko si Arisse, nasa office pa 'yun eh. Pangalawang ring palang ay sumagot na siya.

[Yes, Miss?] Tanong niya. Alam ko kaagad na may ginagawa siya habang kausap niya ako. Malayo mararating niya, masipag kasi.

"Si Daniel, nandoon pa?" Tumingin ako sa paligid, baka may makarinig sa akin. Baka sinundan pala ako ni Chesca at pinapakinggan niya ako ngayon.

[Sinabihan ko siya na alas sinko ka pa makakapunta. Naintindihan naman niya.] Sagot ni Arrise. Mabuti naman.

"Saan kaya kami pwedeng magusap? Yung walang makakakita. May alam ka bang lugar?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman pwedeng doon kami mag-usap.

May CCTV cameras sa bawat sulok nitong building na ito. Hindi imposible na may makakita noon, baka maging big issue pa. Nakakabit pa naman ang pangalan ko sa isang sikat na artista dahil finacée ako ni Enrique Gil.

Konting galaw ko lang na hindi maganda, pwedeng makita ng buong mundo. Lalo na at usong uso pa rin 'yang social media. Magaling magpakalat ng balita ang mga tao doon.

[Hmm, sa bahay namin? Pwede kayo dun.] Nagulat ako sa sinabi niya. Bahay nila?

"Thank you for helping me pero parang nakakahiya naman kung—"

[Nagkaroon ako ng bahay dahil sa'yo. Hindi ko naman kayang hindi ka tulungan sa ganitong bagay 'no. Malaki utang na loob ko sa'yo.] Sobra naman akong na-flatter sa sinabi niya.

Malaki ang utang na loob ni Arrise sakin, pero itong ginagawa niyang tulong... sobra sobra na. Parang nabayaran na nga niya kaagad dahil sa mga tulong na ginagawa niya.

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon