29

800 25 0
                                    

Daniel's POV

"Ah, hello? Chandria, nandiyan ka pa ba?" Hindi ko pa kasi pinapatay yung tawag pero hindi na siya nagsasalita.

Ang dami 'kong gustong sabihin sa kanya. Gusto kong sabihin na tinalikuran ko si Hope dahil mahal ko pa siya. Gusto kong sabihin na sana may pagasa pa na magkabalikan kaming dalawa.

Hindi naman yata siya nawala sa puso ko. Minahal ko si Hope pero hindi siya nawala. Hindi ko rin inasahan na pagbalik niya at pag nakita ko na ulit siya ay babalik yung nararamdaman ko.

Mas matindi pa kaysa sa dati.

Gusto kong sabihin sa kanya na gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko nagawa. Nakita ko lang ulit siya parang nayanig ang mundo ko...

Mali, eh. Pero gusto 'ko at gusto 'kong ipaglaban 'yung nararamdaman ko.

Kailan ko lang napagtanto na sana pala hindi ako sumuko sa kanya kahit siya mismo sumuko na. Gusto 'kong sabihin sa kanya na sana pala hindi ako sumuko agad at pinaglaban ko siya.

Madami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi pa ngayon. Siguro mamaya na dahil magkikita na kami.

Ngayon lang din pumasok sa isip ko na pupunta ako sa bahay niya. Tandang tanda 'ko pa yung huling beses na pumunta ako doon, at hanggang ngayon para pa rin siyang karayom na tumutusok sa puso ko.

Madrama, oo, pero totoo. Nasaktan ako at hindi ko ikakahiya 'yun dahil isang patunay 'yun na nagmahal ako ng totoo. At pag mahal mo ang isang tao eh masasaktan ka talaga sa mga ganitong eksena.

Handa na akong kausapin siya at kung ano man ang maging desisyon na tungkol sa aming dalawa, wala na akong pakialam.

Ipaglalaban 'ko 'tong nararamdaman ko.

"Chandria?" Tawag ko ulit. Wala pa rin akong narinig na sagot kahit na hindi 'ko pa binababa 'yung tawag. Napabuga ako ng hininga. "Mahal na mahal pa rin kita." Bulong 'ko.

Alam 'kong hindi niya narinig 'yon dahil hindi na siya sumasagot. Pero seryoso ako sa sinabi ko.

Mahal na mahal ko pa rin si Chandria.

**

Chandria's POV

I have no idea what to do now. Pupunta si Daniel dito pagkatapos niyang magtrabaho, hindi ko alam ang gagawin ko.

Nandito ako ngayon sa walk-in 'ko at naghahanap ng isusuot. Hindi 'ko dapat pinoproblema 'to dahil 'yung ibang tao kaya 'kong bihisan. Imposibleng hindi ko kayang bihisan ang sarili ko.

I walked out of that damn closet then slammed myself on my bed. Nandoon pa rin ang iniwan 'kong phone kanina. Kinuha 'ko iyon at naisipang isave ang number ni Daniel.

Tiningnan 'ko sa call logs 'yung last call niya para masave 'ko na yung number. May napansin akong kakaiba.

03:26

We talked for just a minute, I guess. Noong binaba 'ko 'yung phone, I am pretty sure that its only between one minute to one minute and thirty seconds after he called me.

Buti nalang hindi ako nagsalita ng kahit ano. Paano nalang kung narinig niya ako na may sinasabi tungkol sa kanya, diba? Nakakahiya.

Bakit kaya hindi niya pinatay agad? Baka nakalimutan lang niya.

I saved his number before calling Arisse. Nasasanay yata ako na si Arisse ang tinatawagan 'ko tuwing kailangan 'ko ng kausap.

[You're not going to invite me for a lunch, are you?] Bungad niya agad at naririnig 'ko na nagtatype siya.

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon