27

688 24 1
                                    

Chandria's POV

Kailangan ko na talagang kausapin si Rio ngayon pero magkikita kami ni Daniel mamaya pagkatapos ng trabaho ko.

Alin ba ang uunahin ko?

"Ria, five minutes." Paalaa ni Arisse sakin. May meeting kasi ako kasama ang isang department ng kompanya. Tumango lang ako at inayos ang gamit ko.

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko kung sino ba ang dapat ang una kong puntahan. Ang hirap magdesisyon nang basta basta pero kailangan ko na talagang magdesisyon.

Kakausapin ko ba si Daniel mamaya o tatapusin ko muna ang relasyon namin ni Rio?

"Ria, 3 minutes. You're ready, right?" Tanong ni Arisse sakin. Tumingin naman ako sa kanya, kailangan ko ng tulong niya.

"Tinawagan mo na ba 'yung lawyer ko? I need the documents."

"Yes. You'll meet her this Saturday. Bakit?"

"Saturday? Bakit sa Saturday pa?!" Hindi ko napigilan na hindi tumaas ang tono ng pananalita ko. I need to end that stupid contract as soon as possible!

Nagmamadali namang umupo si Arisse para tingnan ang appointments ko. "You're busy, Ria. Obviously we need to--"

"I don't care. Cancel my remaining meetings after 13:00 then call my lawyer. That's final." Sabi ko at tumayo na para umalis.

"Ria!" Pigil niya sa akin.

"What?" Naiinip kong tanong. I need to go to that meeting.

"I'll set the place, is it okay?" And I thought she'll tell me that I can't cancel my appointments, she didn't. Natawa naman siya bigla. "Oh, bakit parang gulat na gulat ka sa sinabi ko?"

Napailing naman ako. "Wala, thank you. Sunod ka nalang doon." She nodded and I left the room.

**

Nang matapos ang meeting na 'yon, inasahan ko na ang bad vibes. Kakabalik ko lang kasi dito sa office at may mga layouts sa table ko.

Okay sana kung new layouts for the show pero wala man lang kakone-konekta sa pinagkakaabalahan ng lahat ngayon.

"A store layout? Seriously?" Matawa tawa kong tanong kay Arisse. "Why should I approve layouts for stores? I'm not an engineer. Send those layouts back because i'm leaving."

Naiiling kong sabi at nilagay sa isang tabi 'yung mga layouts. Nagchecheck nalang ako ng emails para wala na akong aasikasuhin at poproblemahin.

"Ria, masanay ka na. Malapit ka na kayang maging CEO, and it means... you'll be the President. Ikaw na lahat ang tatanungin nila sa mga ganyan. Your opinion will always matter." Paliwanag sakin ni Arisse pero hindi ko pa rin talaga maintindihan ng sobra.

"Oh, eh bakit hindi si Ms. Lopez ang bulabugin nila? Hindi pa ako ang CEO, diba?"

"She's not here, Ria. She is on vacation and she wants you to get used to this." Arisse said. "It's already a deal since then. Bago ka pa umalis sa Pinas for your New York thing, she planned this."

I shook my head. Tsaka ko nalang siguro poproblemahin 'yang mga ganyang bagay kapag tapos na ako sa mga conflicts ko sa personal na buhay.

Pag okay na kami ni Daniel, siguro 'yan naman ang aayusin ko.

"What's her name?" Pagbabago ko ng topic.

"Ha?"

"My lawyer, what's her name?"

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon