28

693 20 2
                                    

Chandria's POV

2 days.

Dalawang araw na akong magisa dito sa bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. Pati na rin sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Wala na akong kasama sa bahay dahil pinaalis ko na silang lahat.

Si Luz lang naman ang papaalisin ko dahil nalaman ko ang tungkol sa pagtataksil niya sa Daddy ko habang nagtatrabaho si Daddy sa states.

Isa pang malaking bagay ang nalaman ko, wala pala talaga akong kapatid. Only child ako ni Daddy at ng tunay kong ina. Namatay ang totoo kong mommy noong pinanganak niya ako at pangalawang pamilya pala ni Daddy sila Maxine.

Simula noong naghiwalay si Luz at si Daddy, pinaghiwalay niya kami ng bahay. Hindi ko nga lang alam kung bakit nandito ako at nasa ibang bansa ang Daddy ko, pero sabi nila ay may bagong pamilya na rin si Daddy doon. Businessman ang Daddy ko at tatlo ang binubuhay niyang pamilya.

Tapos na rin ang mahabang diskusyon tungkol sa pamilya ko. Kilala ko na kung sino ang totoo at hindi, ang problema ko nalang ay si Daniel.

Ayokong umasa na pwede pa kaming magkabalikan. Ayokong umasa na baka hiwalayan niya si Hope para sa akin dahil mahal pa niya ako. Wala akong dapat asahan.

I need to get ready for the worst.

Maaga akong nagising ngayon at pinili kong bumangon kaagad at bumaba muna. Wala akong kasama dito bukod sa mga katulong dahil pinaalis ko na sila.

Hindi ko sila pinaalis dahil galit ako sa kanila. Oo, galit ako pero hindi 'yun sapat na dahilan para paalisin ko sila. Mayroon maman silang sariling bahay kaya doon nalang siguro sila.

"Gising na po pala kayo. Ipahanda ko na po ba 'yung breakfast niyo, Mam Ria?" Tanong ng isang maid. Hindi ko matandaan ang pangalan niya pero palagi ko naman siyang nakikita.

Maaga pa naman... hindi ko na siguro kailangang magpaluto ng breakfast, marunong naman siguro ako diba?

Hindi naman siguro masamang subukan.

"Hindi na, i'll just cook for myself." I dismissed her.

"Hala, Mam--"

"I said, I will cook for myself. I can do it, okay?" Uminit naman kaagad ang ulo ko dahil lang sa simpleng sagot niya.

"Okay po." Sagot naman niya at umalis. I massaged my forehead, kalma lang Ria.

Naglakad na ako papunta sa kitchen at mukhang hindi man lang ito nagagamit. O baka sadyang magaling lang silang maglinis kaya parang bagong bago pa rin.

I opened a cabinet pero puro containers at plates lang ang laman. God, this is harder than I thought.

Isa isa 'kong binuksan lahat ng cabinets pero wala akong nakita na pwedeng sangkap sa iluluto ko.

I gave up and decided to open the fridge. Siguro kaya ko namang magluto ng breakfast gamit lang ang kung anong makita ko dito.

Binuksan ko ang ref at ang una kong nakita ay chocolate bars, kumuha ako ng dalawa at nilapag sa counter.

What else?

May nakita naman akong fruits sa kabilang counter katabi ng microwave oven.

Microwave.

Kumuha ako ng bananas bago ako kumuha ng glass bowl mula sa cabinets na isa isa kong binuksan kanina. Nilagay ko ang chocolate bars doon sa glass bowl.

Kumuha pa ako ng isa pang glass bowl para sa imimix ko. I peeled off the bananas, put it in the glass bowl and then mashed it using a fork.

Ano ba 'tong ginagawa ko? Para akong sinapian ng kung ano dahil parang alam na alam ko itong ginagawa ko.

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon