6

923 22 1
                                    

Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, tumayo ako sa kinahihigaan ko. Alas kwatro na ng umaga pero hindi pa rin ako nakakatulog. Ito ba ang pahinga na kinakailangan ko?

Hindi pa rin matanggal sa isip ko 'yung sinabi ni Mara. Gusto ko siyang kausapin ulit tungkol doon pero kanina ko pa pinagiisipan kung dapat ko ba talagang tanungin 'yon.

Kung pamilya ko mismo ang nagsisinungaling sa akin, anong gagawin ko? Si Jake... best friend ko daw si Jake diba? Hindi ko na maintindihan ang mga nalalaman ko.

Habang naglalakad ako nang paikot ikot dito sa loob ng kwarto, biglang bumukas ang pinto. Hindi ko pala na-lock iyon.

"Ang aga mo naman atang gumising, Ria?" Si Camille pala. Siguro akala niya kakagising ko lang, hindi siguro halata ang malaking bagahe na naipon sa ilalim ng mata ko.

"Aalis tayo ng maaga ngayon. Kailangan kasi nating makabalik bago magtanghali. Baka may makakita sa'yo doon, baka hindi lang natin napapansin pero may nakakilala na pala sayo." Dagdag pa ni Miles.

"Wala naman siguro. Effective pa rin naman 'tong new look ko." Mahinang sabi ko.

"Kahit na, kailangan nating makasigurado. Itanong mo na lahat ng itatanong mo mamaya ha? Tinawagan ko na si Robert, alam niyang pupunta tayo." Saad ni Camille. Of course, itatanong ko lahat sa kanya. Sigurado akong kilalang kilala niya ako.

I nod. "Alam ba niyang kasama ako?" Tanong ko.

"Hindi. Kailangan ko muna siyang kausapin bago siya magkwento sayo. Kailangan ko munang---" Anak ng tupa naman, bakit ganun? Para 'yung storya lang namin ang malaman ko? Para hanapin ko na naman yung iba pa?

Ayoko! Itatanong ko lahat sa kanya sa ayaw at sa gusto ni Camille. Salamat sa malasakit niya pero hindi ko hahayaan na hindi ko malaman lahat.

"Wala kang kailangang gawin, Camille. Pag dating natin doon ay kakausapin ko na siya. Wala ka nang kailangan pang gawin." Kalma kong sabi sa kanya.

"Pero---"

"Wala naring pero pero Camille! Kung 'yan ang plano niyo, pasensya na pero hindi ako susunod sa napagkasunduan niyo." Naiinis kong sabi at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa dulo ng kama. "Maliligo na ako."

**

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo. Saglit lang ako naligo dahil hindi namin kailangang magtagal mamaya. Pag labas ko ay wala na si Camille sa kwarto. Baka nagaayos na rin siya.

Pero may iniwan siyang damit na pwede kong suotin. Mahabang palda na kulay dark green at siguro hanggang baba ng tuhod ko, at blouse na kulay puti. Ito nga siguro ang isuot ko para hindi ako gaanong mahalata.

Isinuot ko naman iyon at ipinares ko sa isang tsinelas na nasa bag ko. Hindi ko na inayos ang buhok ko, sinuklay ko lang at hinayaang nakabagsak.

Hindi ko na nilagyan ng make up ang mukha ko, hindi na rin ako nagpulbos. Kung maging oily man ako mamaya, mas maayos na rin 'yun.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na sa kwartong iyon. Pagkalabas ko ay sakto namang labas rin ni Mara sa kwarto niya. Nakasuot siya ng white pencil skirt, black button down long sleeved blouse na nakatuck in sa skirt, at red na stiletto.

Niyakap niya agad ako. "Kung kailangan niyo ulit tumuloy dito, pwedeng pwede kayo ha?" Bilin niya pagkatapos niyang kumalas sa pagkakayakap sakin.

"Salamat."

"Babalik kayo diba?" Nagulat ako sa tanong niya. Siguro nga at masyado niya akong namiss dahil sa sobrang tagal na panahon na naming hindi nagkita.

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon