13

725 23 4
                                    

Pinaglalaruan yata talaga ako ng tadhana. Sa dinami-dami ng tao sa Pilipinas, si Hope pa talaga? Sa dinami-dami ng lalaki na pwedeng maging boyfriend ni Hope, si Daniel pa talaga? Wala naman akong nagawang masama ah? Bakit parang sobra sobra naman ang kamalasan ang dumadating sakin?

"Bali apat ang Terminal 4, obviously. Ang vocalist at rhythm nila ay si Jose, kapatid siya ng boyfriend ko. Si Mycko naman ang lead guitarist tapos si Sedric ang rhythm. At syempre si Daniel, ang boyfriend ko, ang drummer. Ang gwapo nilang lahat 'no?" Habang nagsasalita si Hope, nakatulala pa rin ako sa lalaki na nasa unahan. Kumakanta si JC, na si Jose, ng Wonderwall.

Gusto kong umiyak sa tuwa pero hindi na nakakatuwa 'to dahil bakit naman kasi si Hope pa? Hindi kami close, oo, pero bakit siya? Hindi ba't kay Enrique rin sa panaginip ko, ganito ang eksena namin?

"Kung wala ka lang boyfriend, baka nai-pair na kita sa isa sa kanila." Napatingin naman ako sa kanya, kanino naman niya ako ipe-pair kung nagkataon? Hindi naman ako papayag dahil ang gusto ko ay yung boyfriend niya. Wala akong boyfriend Hope, i-pair mo na kaya ako kay--- Ano ba Ria! Umayos ka nga!

Natapos na ang unang kanta at hindi pa rin ako makapagsalita. Parang nahulog 'yung dila ko at wala ng pag-asa pang bumalik sa loob ng bibig ko. Kumakanta ulit si Jose, nagbaback-up vocals si Sedric. Hindi ko maibaling sa iba ang tingin ko nang makita ko si Daniel, parang nakita ko na talaga ang kulang sakin.

"Ang galing niya 'no? Nakaka-inlove panoorin!" Sobrang gaan ng vibes ni Hope. Nagi-guilty na tuloy ako na iniisip ko ang boyfriend niya, na mahal ko ang boyfriend niya.

Nahahati ang isip ko sa dalawang bagay. Gusto ko siyang puntahan sa stage para yakapin at sabihin na sa wakas ay nakita ko na siya pero parang ayaw ko na rin siyang paalisin doon dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon niya pag nakita niya ako. Alam kong magugulat siya, pero gaano kagulat? Makikilala kaya niya ako?

Siyempre, Chandria, ex mo siya. Malamang ay kilala ka niya, ano kayang mangyayari?

At last song na nila, hindi tumitingin si Daniel dito sa inuupuan namin. Baka hindi niya alam na nandito kami? Masyado siya busy pagda-drums, pati si Hope ay busy pagpi-picture sa kanya. Habang ako nakatingin lang sa kanya. Posible pa lang maramdaman ko ulit 'to, kakaiba pa rin sa pakiramdam ang presensya niya.

'Cause I just can't look its killing me
And taking control
Jealousy, turning saints into the sea
Swimming through sick lullabies
Choking on your alibi

"Is he really the drummer?" Wala sa sarili kong sabi at ikinagulat ni Hope. "I mean, he's good but... maybe he can sing too?" Palusot ko.

Kaya ko lang naman 'yun tinatanong ay dahil si Daniel Padilla ay bassist ng Parking 5. Sadly, hindi pala totoo 'yun? Gusto ko lang makasigurado... baka naman dati rin silang magkakabanda nila Les at Katsumi?

But it's just the price I pay
Destiny is calling me
Open up my eager eyes

Tumango tango naman si Hope na parang naliwanagan sa sinabi ko. "He said once that he can play bass and drums."

At biglang sumakit ang ulo ko. Fudge, not here please. Pero wala akong magagawa, may mga bulong na akong naririnig sa isip ko. Nakakabaliw at nakakatakot pakinggan sa una, pero nang marinig ko na ang malilinaw na salita ay natahimik ang emosyon ko.

"Pwede naman kitang haranahin eh, pero pa-drums lang."

"Ano? Seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

"Siyempre hindi! Liligawan ba kita? Sinasabi ko lang, magaling kasi akong mag-drums. Ba-dum-tss!"

"Okay ka lang ba? Cosmo kasi 'yang nabigay ko sayo, may effects ata 'yan. Sorry ha!" Medyo nataranta si Hope dahil sa ginawa ko. Agad namang tumahimik ang mga boses sa isip ko.

Tuloy tuloy lang sa pagkanta si Jose, at si Hope naman picture ng picture sa kanila. Hanggang dumating sa last stanza, nakatingin lang ako sa kanya. Obvious kaya ang mga sulyap ko? Nakikita kaya niya ako?

'Cause I'm Mr Brightside
I never

"Pupuntahan tayo niyang mga 'yan after nila ligpitin ang mga gamit nila." Sabi ni Hope, kasabay ng pagtapos ng kanta.

This is it, Ria. You will finally him face to face.

Nagpa-alam si Sedric sa mga tao at pinalakpakan sila ng karamihan. Inaayos na nila ang mga instruments nila, hindi ko napigilang hindi magtanong kay Hope.

"Saan kayo nagkakilala?" I blurted out in a curious tone.

She looks at me. "We have a mutual friend, it's their handler JD Baltazar. We met because of him, he introduced Daniel to me." I try not to shiver from his name.

"Eh si Mycko? Saan galing si Mycko?" Napa-facepalm nalang ako sa isip ko, ang dami kong tanong. Baka nakakahalata na si Hope. Chill ka lang Ria, please.

"Mycko is Sedric's friend who knows how to play bass and drums like Din." She explains, at napatango nalang ako. Siguro ay Din ang nickname ni Daniel.

Unang dumating si JC---Jose, at kitang kita ko ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako kasama si Hope.

Lumapit siya at bumeso kay Hope, nakatingin pa rin siya sakin. "Ate Hope," Bati niya sa girlfriend ng kuya niya.

"Jose! This is my friend and I know that you know her because she's famous, Ria." Ipinakilala niya ako kay Jose, naa-awkward ako sa tingin niya sa akin. Hindi galit pero gulat at nagtataka. "Ria, meet my boyfriend's younger brother, Jose Ford."

Nakatulala ako sa kanya, kilala niya ako. Nakikita ko sa ekspresyon ng mukha niya ang pagtataka, pagtataka kung bakit nandito ang ex ng kuya niya kasama ang girlfriend nito. Hindi ito maganda. Ngumiti nalang ako ng pilit, pero hindi nagbago ang ekspresyon niya.

"Jose! Pinagbibigay 'to ng Kuya mo para... sa... pambili ng gatas ng... anak mo..." Dumating naman si Sedric at unti unting bumagal ang sinasabi niya. Kilala rin ako ni Sedric, siyempre best friend siya ni Daniel.

Inulit ni Hope ang pagpapakilala sa akin, ngumiti ulit ako pero tumango lang si Sedric. Anong ginawa ko sa kanila at parang hindi sila masaya? Siguro may masama akong ginawa noon... Siguro, hindi ko alam!

"Ah, Hope, pasabi kay Dindin nauna na kami sa labas ha? Hindi naman ata sasabay samin 'yun, ihahatid ka pa ata." Nahalata ko ang medyo pagmamadali ni Sedric, dahil sa akin.

Napakunot ang noo ni Hope. "Nasan ba si Daniel?" Tanong niya sa best friend ng boyfriend niya.

"Sa likod dumaan, kinakarga 'yung mga instrumento. Kasama ni JD at Mycko dun pero babalik yun dito." Si Jose naman ang sumgot para kay Sedric. "Una na kami ha? Salamat Ate Hope!" At tumakbo sila palabas ni Sedric habang nagbubulungan. Sigurado ako na tungkol sa akin iyon.

Walang nagawa si Hope kaya nag-shrug nalang siya. "Baka kailangan na siya ni Nath sa bahay nila, ganun talaga si Jose." May asawa na si Jose? At narinig ko pa kanina na may anak na rin siya....

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla kong narinig ang boses niya. Ang chill niyang boses, yung sobrang relax niyang boses. Lalo pang nagwala ang tumitibok na bagay sa dibdib ko nang makita ko na talaga.

Nakita ko ang nakataas niyang buhok. Sa nakita ko sa yearbook, bagsak ang buhok niya at sobrang maduming tingnan pero gwapo pa rin siya. Mayroon na siyang bisceps ngayon, hindi katulad noon na patpatin ang braso at binti niya. Lalo siyang tumangkad. At ang mga mata niya, gusto nalang tumitig doon haggang mamaya.

"Hope..."

And my heart shatters into pieces as he calls his girlfriend's name first and not mine.

--

A/N: Fast and short update! Wag kayong mag-alala, akong bahala kay JD Baltazar. Sisiguraduhin kong walang malolokang fifi!

(vote sa pep pls, madami nominations ang kn)

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon