4

1.1K 29 6
                                    

I didn't sleep for the next hours while i'm riding the plane. My mind is busy thinking how am I suppose to find Robert.

"Water, ma'am?" A flight attendant asked me. Do I need water? Yes, i'm dehydrated because of what happened earlier. It went so fast.

"Yes please." I told her and when I look up at her, she looks like she saw a ghost. "You know me?"

"Who doesn't, ma'am Ria? You're famous. And---" Oh, this is going to be a problem. I must solve it before doing anything else.

I cut her. "Can you do me a favor? Please don't tell anyone that I am here and i'm going to wherever i'm going. Please?"

"Of course ma'am, your secret is safe with me." She assures me, and I am convinced. "Here's your water, ma'am."

I nod at her and said thank you to what she promised. I do hope that she will really keep that secret.

Tama kaya si Maxine? Ika-cancel kaya ni Mommy ang pagpunta sa Pilipinas? Oo man o hindi ang sagot diyan, kailangan ko na talagang mahanap si Robert.

Si Robert ang una kong pupuntahan dahil siya ang first boyfriend ko, ang maaaring daan para mahanap ko si DJ. Sana sa kanya pa lang, solve na ang problema ko... mahanap ko sana agad si DJ.

Nang may nagsalita na malapit nang lumapag ang eroplano, agad akong nagayos ng itsura ko. Yung tipong hindi talaga ako mapagkakamalang si Ria dahil hindi naman ako nagmake up at nagsalamin ako.

Bumaba ako at nakita ang maraming tao na nagiintay sa mga mahal nila sa buhay, masyado silang busy paghahanap sa sinusundo nila kaya hindi nila ako napansin.

Mabilis akong naglalakad habang dala dala ko ang bag ko, saan ba ako sasakay? Walang binigay na kahit ano sakin si Maxine, kahit pera para ipangbayad sa taxi...

"Pssst!"

Sino 'yun? Lumingon lingon ako at nakita ko ang isang itim na kotse. Ikinagulat ko talaga ang nakita ko, si Miles nandito.

"Miles, paano ka napunta dito?" Nanaginip ba ako? Sana sampalin ako ni Miles para magising ako. Umuwi ba talaga siya o panaginip lang 'to?

Natapos naman ang pagko-conclude ko na panaginip lang ang lahat nang nagsalita siya. "Hala, Camille po ang pangalan ko."

Camille... Oo nga pala, siya si Camille. Hindi nga ako nananaginip. This is real life, she's not Miles anymore.

"I'm Camille Tan. We met naman diba? Maxine sent me back here before anyone else dahil may plano nga siya." Maxine planned all of this, why?

Puro why nalang ang tanong ko, hindi ko na mabilang ang tanong ko ngayon pa lang. Paano pa kaya pag nadagdagan 'tong mga 'bakit' ko?

Pumasok na kaming dalawa sa kotse at nagdrive siya agad. "Anong alam mo tungkol dito?"

"Marami," Sumulyap siya sakin. "pero hindi ko muna sasabihin ang nalalaman ko. Gusto naming malaman mo ang lahat dahil hinanap mo ang mga sagot sa tanong mo."

Bakit kailangan pa nilang itago sakin? Pwede naman nilang sabihin na sakin para matapos na diba? Bakit kailangan pa nila akong pahirapan?

Dalawang bakit kaagad 'yun. Pag may sinabi na naman si Camille, madadagdagan na naman siguro 'to.

"Saan tayo pupunta?" Gabi na rin kasi. Ilang oras rin akong nasa plane. Hinahanap na kaya nila ako?

Biglang may nagtext kay Camille. Tumingin siya sakin. "Si Maxine... She texted me, nacancel ang flight nila dahil nawawala ka."

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon