24

808 22 1
                                    

Chandria's POV

Pagkagising ko palang, maganda na agad ang mood ko. Hindi ko rin alam kung bakit, may mga ideya naman ako kung bakit pero hindi ko masabi kung alin doon.

Nagwash-up na agad ako. Maaga pa naman kaya pupuntahan ko muna si Maxine sa kwarto niya. Nakakamiss yung kapatid ko na 'yun.

Kumatok muna ako, at ilang segundo palang binuksan na niya 'yung pinto. "Ate." Saad niya agad pagkita niya sakin.

"Pwede papasok ako?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Tara." Pagpasok ko, nakilala ko kaagad yung room. Guest room.

"How are you?" Tanong ko sa kanya. The moment I asked her, she frowned.

"Hindi ko na kaya, Ate." Sabi niya sa akin. Ang alin? Hindi ko na kailangang tanungin kasi sinabi na niya. "Yung mga kasinungalingan nila sa'yo, sobra na. Gusto mo bang sabihin ko na sayo lahat ngayon para matapos na 'to? Kasi Ate hindi ko na kaya eh."

Natigilan ako doon. Ngayon ko lang marealize na... mas mabuti na ako ang makadiskubre sa lahat. Alam kong selfish dahil si Maxine nahihirapan na pero buhay ko naman 'to. Ako naman ang nawalan, diba? Karapatan ko na rin sigurong kumontra.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. "Max, sorry." Yun agad ang una kong sinabi, alam kong naiiyak na siya.

"Okay lang, Ate. Naiintindihan ko." Sagot niya. Ang bait nitong bata na'to, lalo tuloy akong nagi-guilty.

"Pero pag kailangan ko na talagang malaman, ikaw ang una kong tatanungin. Gusto ko sa'yo manggaling kasi alam kong hindi ka magsisinungaling sakin." Sinabi ko sa kanya 'yun para malaman niya na siya pa rin ang lalapitan ko.

Kapatid ko si Maxine at ayaw kong marinig sa kanya na hindi na niya kaya. Gusto ko mang bawasan ang guilt na nararamdaman niya, mas gusto ko namang madiscover lahat dahil sinikap ko.

I want to exert my effort. Sus, gusto mo lang makasama si Daniel nang mas matagal. Napailing nalang ako sa konsensya ko na gustong gustong makasama si Daniel.

"Ate, may pasok ka diba? Baka malate ka pa." Saad niya at humiwalay sa yakap. Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang luha sa pisngi niya.

Tumango ako at umayos ng tayo. "I'll go ahead." Sabi ko sa kanya. I smiled at her again.

"Love you, Ate." She said. I felt a pang of guilt.

Hindi ko man lang masubaybayan ang araw araw na buhay nitong kapatid ko kasi puro nalang ako trabaho. Kung hindi naman trabaho, inaasikaso ko sarili ko. Ang layo na ng connection namin sa isa't isa.

I hugged her again. "I love you, too." I answered. Before I left her room, I told her that i'm always right here for her no matter what.

I took a bath then changed into a smart cusual outfit. I feel a little different today, I don't know why. Parang may mangyayari ngayong araw? I can feel something pero hindi ko alam kung good or bad.

Pagbaba ko, nandoon na si Chesca. She's with Mommy and they are sipping coffee. Lumapit ako sa kanila at nagbeso, nakasanayan ko na rin. Hindi na rin ako nagtagal doon at umalis na rin kami ni Chesca.

Maluwag ang kalsada ngayon dahil maaga pa naman. Si Chesca ang palaging nagdadrive pagpunta ko sa office dahil kotse niya ang gamit, tapos ngayon tahimik lang kami sa kotse.

Habang nakaupo lang ako, binuksan ko 'yung 3G ng phone ko para makapag-internet ako. Sa twitter muna ako nagbrowse, nagpunta ako sa interactions.

Madaming interactions na galing sa mga fan pages and accounts. Karamihan paparazzi photos tapos pinupuri nila 'yung suot ko, mga ganun. Nagpunta na ako sa home, mga hindi ko kilalang tao ang nandoon.

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon