33

697 16 10
                                    

Daniel's POV

Para akong instant artista pag-uwi ko sa bahay. Nagpaalam muna ako kay Cha para umuwi kasi halos di ko na nakikita pamilya ko, at naiintindihan naman niya 'yon.

Palagi na naman akong inaapiran ng mga tambay dito pero ngayon, kakaiba. Para akong artista. May nagpapapicture pa, parang mga siraulo. Dahil nga sa balita, kumalat na itsura ko.

Ang gwapo nga ng pagkakalakad ko dun sa video, hawak hawak ko pa kamay ni Cha.

Pagpasok ko sa bahay, nandoon si Mama at mga kapatid ko. "Ma," Nagmano ako sa kanya. "Musta dito? Ayos naman kayo habang wala ako?"

Nakangiti naman si Mama, pero pilit. "May nakakain pa naman. Pero may bill na ng kuryente at tubig."

"Sige, ma, gagawan ko nalang ng paraan," Tumango ako at umupo sa tabi ni Margaret. Nagtanggal ako ng sapatos tsaka ko hinagis sa mukha niya yung medyas. "HEADSHOT!" Sigaw ko sabay takbo sa kwarto.

"Kuya, ambahoooo! Amoy bulok paa mo. Kadiri!" Sigaw ng kapatid ko na hindi naman ako hinabol. Tawang tawa naman ako.

Paglabas ko, saktong kakapasok lang ni Mella ng bahay. Alas nwebe na ng gabi, ah? "Saan ka galing, madam?" Pinalapit ko pa sakin si Mella.

"Over, kuya. Nagpaload lang ako sa labas," Natawawa niyang sabi.

"Load? Gabi na, sino pang tinetext mo? Yung naghatid sayo na mukhang nasagasaan ng--"

"SI TIMOTHY KUYA!!!" Nagulat naman ako kay Margaret. Anong... sino si Timothy?! "Haba ng hair niyan, may nanliligaw na. Yie!"

"Ate!" Halatang pikon na si Mella kaya di ko na ginatungan.

Tumingin ako kay Mama na nagtitiklop ng damit na pinlantsa niya. Nagkibit balikat lang si Mama. Mga babaeng 'to talaga, nagsasabwatan pag usapang pag-ibig.

"O, sige, ligaw lang. Di pa kayo pwede magsyota, bata pa kayo!" Pagpayag ko nalang. "Bawal yakap, bawal holding hands, dapat may distansya. Di kayo magboboyfriend hangga't wala pa kayo sa trenta!"

"KUYA, OA!"

"Grabe naman sa trenta, Kuya!"

"Shhh!" Sagot ko naman at tumabi kay Mama. Pinagpipisil ko braso niya.

Biglang nagsalita si Mella. "Pag ba naghoholding hands, boyfriend na agad?"

It might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon