Manager

475 11 0
                                    

Larah's pov(point of view)

nakasakay na kami ng eroplano pauwi ng pilipinas
at first time pa ni Lorrain ang makasakay ng eroplano kaya kanina ko pa hinahawakan ang kanyang kamay para hindi s'ya kabahan

"mommy, are we flying?" inosenting tanong ni Lorrain saakin at sumilip sa bintana

"yes baby, the plane is fying and we are in the plane" pagpapaintindi ko sakanya

"wow, the clouds is so beautiful, mommy look at the clouds" namamanghang tinuturo ni Lorrain ang mga ulap

"maganda nga anak, kasing ganda mo" nginitian ko s'ya

tumingin ulit s'ya sakin at nagsalubong pa ang kanyang kilay animong naguguluhan
kaya hinawakan ko ang kanyang malaking pisngi
"why, baby?"

"mommy, where are we going?" nagtatakang tanong talaga ng anak ko kaya napangiti ako sakanya

"we're going to meet your daddy" agad nanlaki ang kanyang mata sa gulat at yinakap ako

"mommy, what's my daddy's work po?"

"he's a businessman too like your tita and tito"

"wow, I wanna be a business woman too" she giggled and drink her milk

susupurtahan kita anak sa kahit na anong gusto mo

I love you Lorrain
I'm always here to support you

kahit na gaano kahirap ang pinagdaanan ko nung pinagbubuntis ko pa lang si Lorrain worth it lahat yun dahil napaka ganda ng resulta at wala akong pinagsisihan sa lahat ng nangyari

nilingon ko ang anak ko na natutulog na ngayon
hinaplos ko ang kanyang buhok tinitigan ko ang kanyang mukha napakahaba ng kanyang pilikmata at makapal na kilay maganda din ang hugis ng kanyang labi at kulot na buhok nito na bumagay sa kanya

paano ko pagsisisihan ang mga nangyari sa buhay ko kung ganito naman ka worth it ang resulta

kinakabahan ako sa pag uwi ko hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag nakita ko na ulit ng tatay ng anak ko

magagalit kaya s'ya susumbatan kaya n'ya ako sa hindi ko pagpapaalam sa kanya at tinakasan ko s'ya sa nalalapit naming kasal

maniniwala kaya s'ya kapag sinabi kong anak n'ya si Lorrain

handa na akong tanggapin lahat ng sumbat n'ya at ng mga magulang n'ya handa na akong magpaliwanag sa pamilya ko
handa na akong ipakilala sakanila si Lorrain

sana lang maniwala s'ya na anak n'ya si Lorrain sana lang handa na s'yang magkaroon ng anak sana lang matanggap n'ya ang anak namin

napapikit ako ng maramdaman ang mainit kong luha sa aking pisngi
pinunasan ko ang aking mga luha pero mas lalo lang nagbadyang tumulo ang aking mga luha
pinipigilan kong gumawa ng ingay ang pag iyak ko, natatakot ako, kinakabahan

hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa pag uwi ko

kinarga ko ang anak ko dahil baka umiyak lang kapag ginising ko s'ya
paglabas ng eroplano ay naramdaman ko agad ang hangin ng pilipinas

"Lar, ako na bubuhat d'yan" sabi ni king nakaturo sa anak ko na mahimbing na natutulog sa balikat ko

"hindi na, kaya ko na'to at pagod kapa sa byahe" tanggi ko kasi nakakahiya na talaga inaasa ko nalang ang lahat sa kanila, kahit na may trabaho sila kapag kailangan ko sila ay parati nilang ginagawan nang paraan para mapuntahan ako

MY FIRST AND LAST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon