Pagpatak ng lunch ay inanyayahan ako ni Damian na bumaba dahil nagyaya na mananghalian ang iba. Napatingin ako sa wrist watch ko nang banggitin niya na lunch na. Madali kong inayos ang gamit ko at ganoon din ng sa kanya.
Mabuti nalang at may aircon ang library. Nawala ang lagkit na nararamdaman ko kanina. Gusto kong maligo ulit. Dahil lunch naman na ay pwede naman na siguro ako umuwi. Ang rason naman kung bakit ako lumabas ay para bumili ng iced coffee. Hindi ko naman inaashaan na makikita ko sila Damian sa coffee shop.
"Pagkatapos ng lunch mamaya uuwi na ako,"
We've exited the library. After we left, the librarian thanked us for visiting. I returned her smile and silently followed Damian down the stairs. I guess he didn't hear me kaya inulit ko ang sinabi ko.
"Bored ka na ba?" Bumagal ang hakbang niya ngayon. Magkasabay ang mga paa namin sa pagtapak sa mga baitang.
"Hindi naman. I just need to be home na. Wala naman sa plano ko ito e."
Akala ko rin kasi na mapapanood ko talaga kung paano ang preparation nila ngayong araw. I was excited about it and I miss doing it too. I saw other people too na may mga dalang camera at nag-fifilm ng mga entry nila for the foundation day. Sabi ni Damian, sa teaser daw 'yun. Huminto pa kami saglit para panoorin ang mga dancers at pag introduce ng couture.
I asked him if he misses studying here. Oo naman daw pero naisip niya rin ng bagong environment for him. Maganda naman ang offer ng Boulevard kaya lumipat siya. Biniro ko nalang na sana hindi dahil sa parehong school ay pareho rin kaming top one. There will be also chances for us to compete against each other outside school competition. Pero ngayong senior high ako ay dinesregard ko muna ang pagsali sa mga ganoon.
"Are you going to take taxi then? Hatid nalang kita sa bahay nila Keira"
Umiling ako, "Huwag na. Hindi ako nagtaxi pero magtataxi ako pauwi. Naglakad lang ako kanina sa coffee shop dahil malapit lang naman sa bahay nila Keira. "
Inis niya akong nilingon, "Ang init-init tapos nilakad mo lang? Hibang ka ba? Hindi ba ay maarte ka?"
Napairap ako. Maarte nga ako pero nabibilad naman ako sa araw. "Hindi naman ganoon kainit kanina. Saka magsasayang pa ako ng pera kung pwede naman lakarin. Akala mo naman pupunta akong Talisay para magtaxi." Napailing ako.
"Kahit na. Palaisipan na sa mga babae na maingat at nag-dadala ng payong tuwing mainit ang panahon. Ang init-init. Pag papawisan ka tapos magkakasakit ka. Ayaw niyo ring pinagpapawisan hindi ba? You're being dumb today."
"Why do you know a lot about girls?" kuwestyon ko sa kanya, bahid ang inis, "Hindi naman siguro lahat. Of course we don't want na maarawan lalo na kung sobrang init. I got out of the house without thinking na may umbrella pala. Madami ka naman sigurong problema pati ako pinoproblema mo. Mind your own nga."
Napailing si Damian. Sinamaan ko siya ng tingin at ganoon din siya sa akin. Agad naman kaming pumanhik sa carinderia dahil doon kami kakain. Hindi na muli kami nagpansinan ni Damian. Halata sa mukha niya ang inis sa sinabi ko. Hindi ko babawiin ang sinabi ko. He said I'm dumb today!
"Inaasar ka ba netong si Damian? Sabihin mo sa akin at reresbakan ko! Baka iniinis ka, kawawa ka naman lagi kang nakasimangot, " Zach bluntly said in the middle of the meal.
Nasa carinderia kami ngayon. Noong tinitignan ko ang mga ulam na nakahain hindi ako makapili. Hindi naman sa pag-iinarte pero sa mga nakaraang araw ito ang mga ulam na pinapaluto ni Tita Alana kaya pag tinignan ko ay nasusuya ako. Kaya inihaw na karne nalang ang inulam ko at may libreng sabaw pa ng bulalo.
"Hindi naman..." aniya at palihim na tumingin kay Damian na inaantay ang sagot ko. Nakataas ang isang kilay, "We don't usually talk. Hindi rin kami magkasundo sa lahat ng bagay."
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling in Love
Teen FictionBorn with a silver spoon in her mouth, Savannah Eunice Sandoval has it all. Pero kahit anong yaman pa ang mayroon siya, there will always be stories about her and the family as well. She tries not to care what other people think about her dahil mas...