Chapter 16

11 0 0
                                    

"Iba ang itsura mo ngayon." si Dustine sa likod ko.

Saglit akong napatigil. Abala kaming lahat sa paghahanda ng kakailanganin namin para sa campaign. Nagawa pang magsalita ni Dustine na hindi naman related sa gawain.

Masama ko siyang tinignan, "What's your problem?"

"Napansin ko lang. Blooming. Or may be in love."

Umiling ako, "You're just crazy." hindi pinansin ang sinabi because it's too ridiculous to understand.

Tahimik kong pinagmasdan ang iba sa pagpapractice ng speech. A week before, nagkita kaming lahat at pinag-usapan ang about sa campaign. Hinintay kong matapos ang bakasyon nila para hindi ako sagabal at nakakairita sa pangungulit. Dahil gusto kong maganda ang kalabasan nito.

Tumayo ako. Ayaw kong marinig pa ang boses ni Dustine. Lumapit ako kay Eduard nang hingiin niya ang opinyon ko.

"Mas maganda siguro kung cartolina nalang ang gamitin natin. Masyadong magastos kung ipiprint pa natin. Ako nalang din ang magsusulat."

"Hindi na kailangan mag-inquire ng mamahaling photoshoot. We could just use our phones at i-edit nalang. Si Dustine marunong naman yan sa editing kaya siya nalang ang gumawa."

I pursed my lips. I calculated our expenses for our campaign materials. Kung ngayon kami magpapagawa ng tarpulin, baka hindi abutin 'yun bukas. Okay na rin ako sa idea ni Eduard. Sumang-ayon ako sa lahat ng ideya niya. Dahil maganda ang sulat niya, siya na rin ang nagsulat ng mga pangalan namin at ng platform ng aming partylist.

Mabilis lumipas ang tatlong araw. Simula na ang campaign namin. Tuwing hapon, sa loob ng apat na araw. Inabala ko ang natitirang araw sa pagkikilatis sa mga estudyante. Gaya ng observation, alam kong ayaw sa akin ng iba. Ayaw na nila na ako ulit ang maging president. And with that statement, alam ko na agad na si Damian ang mananalo.

"Napapadalas ata ang pagiging malapit niyong dalawa. Iba na ata eh. Hindi magkaibigan ang ganyan."

Umiling ako at nagpatuloy sa pagsusulat. Hindi ko alam kung ano ang ibang napansin ni Arisa sa aming dalawa ni Damian. Because we are busy with the campaign, hindi kami masyadong nag-uusap. Pag nasa loob ng classroom, puro aral naman kami dahil nga pag hapon ay excused kami at kailangan naming habulin ang mga lessons.

"Ang dami mong napapansin."

"Oo at hindi ako patay malisya! Dahil una, nag club ka. Pangalawa, bigla kang may Instagram knowing that you hate social medias! Pangatlo, kasama mo si Damian sa Batangas. Kayong dalawa lang. Nasa club din siya 'di ba? I saw it! He came with you pa sa hospital. Ang liit ng mundo ninyong dalawa!"

"Hindi ko alam na nandoon siya. Basta nalang kami nagkita. Tapos niyaya nang makalabas ako ng hospital." sagot ko.

"Kaya nga! May iba!" pagpupumilit pa ni Arisa. Tahimik na natawa si Keira sa tabi ko.

"Wala nga, Arisa. Ikaw lang ang nag-iisip niyan. Naiwan mo ba ang utak mo sa Japan?"

Humalakhak si Arisa at tumabi sa akin. Binuksan niya ang kanyang libro pero hindi siya nagbasa. Ang sabi niya, dito siya magrereview ng quiz niya for the next subject. Gusto lang pala makipag chismis.

"Hindi nga raw kasi. Para kasi'ng celebrity talk. Hinayin mo lang Arisa."

Nagkibit-balikat siya saka tumitig sa akin. "Hindi na ako ako magtataka." naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Hindi naintindihan. "Bagay naman kayo..."

Buti nalang ay tumigil sila sa kakausisa. Lumabas na ako ng classroom. Nauna na ako dahil nag-uusap usap ang dalawa sa kung ano talaga ang namamagitan sa amin ni Damian. Kahit hindi na sakin ang mga tanong, pinagkadiskatahan naman ako.

Afraid of Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon