Chapter 17

10 1 0
                                    

Damian dropped me at our house after eating ice cream at the convenience store. Kumaway ako ng pinaharurot na niya palayo ang kanyang Montero. Binati naman ako ng guard papasok. Si Manang Ester ang sumalubong sa akin sa may kusina.

"Umuwi pala ang Daddy mo. Hinahanap ka at bakit late ka umuwi." iyon agad ang sinabi niya nang makita ako.

"Bakit naman po?" nag-antay ako ng sagot.

"Hindi ko alam ang ibang detalye, nak. Pero may importante siyang pasyente sa Doctor's Hospital. Hindi makabyahe kaya siya na ang pumunta."

Tumango ako. "Nasaan po ang Daddy?" tanong ko at nilibot ang tingin sakaling makita siya.

"Nasa hospital at doon siguro magpapalipas ng gabi. Binaba lang ang gamit dito at hindi na pumasok. Pati pala ang Mommy mo ay babalik sa makalawa." Nagpatuloy sa paggayat si Manang Ester ng ingredyente. Tumango ako. Wala na akong nasabi kaya tumulak na ako sa kwarto para maglinis ng katawan.

Paglabas ng banyo ay agad kong tinignan ang aking cellphone kung may text si Damian. I inquire for a plan para sa load ko. I've been replying to Damian's text kaya kailangan ko 'yun. I don't open my wifi on my phone kaya kahit mag mensahe naman siya sa aking account ay hindi ko napapansin 'yun.

Damian:

I got home already.

Damian:

Tapos na rin ako'ng kumain.

Damian:

Did you fell asleep immediately?

Iyon ang huli niyang text. Naupo ako sa kama na dala ang cellphone. I went on my social medias to check some photos. Nang akmang pipindutin ang album ay lumitaw naman ang pangalan ni Damian na tumatawag.

"Yes?" I asked after I answered his call.

"Hindi ka nagreply sa text ko. Akala ko nakatulog ka na."

I minimized the call. Muli akong bumalik sa app para buksan ang album, "May hinanap kasi akong picture. Ipo-post ko sana sa story ko."

"You can do it after replying to me."

Umirap ako, "Alam ko. Mag rereply naman talaga ako. Hindi ka lang makapag-antay." I rebutted.

Nang ma-save ang hinahanap na larawan ay pinost ko naman ito sa story ko. I reposted the one's that was tagged on my account too. Tinignan ko pa ang story ng iba kong fina-follow. Mga personal ko lang na kilala kagaya ng mga pinsan ko at mga kaibigan ko. I saw Clea posted a picture of her sa may club ulit. Nagpaparty na naman.

"Okay. I'm done." I exited the app and went to my study table.

"Where did you post it? Wala sa Facebook."

"I posted it on Instagram."

Saglit siyang napatihimik. "Your username?"

Sinabi ko naman. Akala ko nawala ang call dahil sa bigla niyang pananahimik. I shrugged it off and tried to manipulate the equation to get the answer on a math problem. Tinignan ko ang notebook ni Hector na pinahiram niya noong isang araw pero wala akong maintindihan dahil sa gulo ng sulat.

Then my phone lighted. Tinignan ko 'yun. Damian followed me on Instagram.

"You reposted Frell's picture pero ang akin ay hindi?" sa tono niya ay parang nang-aakusa siya.

"What will I repost? Your picture?" naguguluhan kong tanong.

"That would be better." Natawa ako'ng bahagya. Wala naman siyang picture sa akin, "I posted a picture of you. Noong nasa Batangas tayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Afraid of Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon