Chapter 14

10 0 0
                                    

Luckily I didn't wake up in a hospital because that's what they are worry about. But I woke up with throbbing pain in my head. Sa kwarto ako ni Clea natulog at napatingin ako sa paang nakadagan sa akin. Her head is already in the edge at ang kamay ay nahulog na sa kama.

Hinayaan ko siya sa lagay na 'yun. I don't want to wake her up. Tumayo ako at lumapit sa barandilya ng balkonahe ni Clea. Niyakap agad ako ng malamig na hangin. I closed my eyes and feel the cold breeze of Christmas on my skin. The sun comes up for a rising one. Naghahanda ng kape ang kasambahay sa may terrace. Nagsisimula naman ang mga hardinero na mag-ayos ng halaman.

I never liked the sunrise. There's no specific reason. Pero mas gusto ko ang pag-angat ng buwan sa malalim. I heard my phone rang in a call. Kinuha ko 'to na nasa sahig. Binalingan ko si Clea na gumalaw. I stared at my phone. It was Damian's number who's calling. Early in the morning.

I didn't pick up the phone until it was no longer ringing. With the cellphone in hand, I returned to the balcony. I sat down in the rattan chair and placed it on the table. Damian's name reappeared as a text message on my lock screen.

Damian:

Good morning. Merry Christmas.

I didn't reply. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko. I like Damian. He is also a friend. Okay lang ang tampuhan. Hindi ko lang talaga gusto ang hindi niya pagsabi ng totoo sa akin. Wala na ring kasunod na mensahe si Damian. I did expect him to tell me what happened to him yesterday pero sino ba naman ako? Pagkatapos ng labing-lima minuto kong pinagmasdan ang pagtaas ng sikat ng araw ay bumaba naman ako para mag-agahan.

Habang nasa lamesa at nag-aagahan, Clea informed Tito Terence, his father, that we're going out tomorrow. Sa party ng friends niya at isasama raw kaming mga pinsan niya. Naging mabilis ang usapan dahil agad namang pumayag ang mga parents namin at hindi na kami kinuwesyon.

"Who had the audacity to call you so early? Ang aga non. Nagising ako." Clea inquired, her voice sluggish from the sleep.  Tumingin naman ang dalawa sa akin. Wala si Caiden sa loob kaya inabangan ko siya ng tingin sa may double door pero wala parin siya.

"Where's Caiden?" muli akong sumilip sa labas. Iniba ko ang usapan para sa tanong ko. Clea didn't answer. Sinuot niya ang sunglass niya at nagsuot ng facemask. Natulog ulit siya. Nilingon ko ang dalawa sa harap para makakuha ng sagot.

Pupunta kaming Bulacan ngayon. To visit our Lolo's graveyard. Doon talaga ang hometown nila Mommy. Nang lumaki at nagkaroon ng pamilya ang naiwan naman sila Lola at Lolo sa Bulacan. A month before I was born, he died due to cancer. Kaya hindi ko rin kilala ang lolo ko maliban sa mukha at pangalan.

And I never been there. Ito ang una at huli siguro. Malungkot si Lola dahil hindi makakasama si Mommy.

Israel glanced at me. He offered me the eye mask and asked if I needed it. Humindi naman ako dahil kagigising ko lang at hindi ganoon kahaba ang byahe papuntang Batangas.

"Nasa isang sasakyan. Kasama sila Lola." sagot niya sa tanong ko.

Our trip went like that. Tulog lahat ng kasama ko sa van. Si Caiden naman ang nag-drive sa SUV na nakasunod sa amin. Nag convoy dahil hindi kami kasya sa iisahang van. Gusto kasi ni Lola na kasama sila Kuya sa iisang sasakyan. Samantala si Mommy ay lumuwas kaninang madaling araw papuntang Lanao para sa medical mission. Daddy didn't went with us. May operation siya bukas kaya nagpaiwan nalang siya.

Kinuha ko ang posporo kay Kuya Eric at inapuyan ang hawak kong kandila. Ganoon din ang ginawa ko kay Caiden at kay Lola. Sabay namin iyon nilagay sa candle holder. Si Ate Ellise naman ang nag-ayos ng bulaklak. I approached my niece who was confused at the moment. Hinawakan ko ang kamay niya at iginaya sa tabi ni Lola. We prayed silently while Lola led the prayer. Hindi na kami doon kumain kahit malaki ang mausoleum. Nag-iwan nalang kami ng pagkain sa taas ng tomb. Huli na pinunasan ni Lola ang lapida bago kami umalis at pumanhik sa lumang bahay.

Afraid of Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon