Chapter 6

7 0 0
                                    

“Maybe he got offended naman kasi. O mali ang pagkasabi mo,”

Iyon lang ang nasabi ni Arisa ng maikwento ni Keira ang nangyari kanina. Dahil hindi naman kami mag classmates, binabalita ni Keira kung ano ang mga kaganapan sa loob ng room.

“Pati ba naman kasi 'yun pag aawayan—”

Pinutol ko na agad ang pananalita ni Keira, “Hindi ko nga siya inaway! Sinabi ko lang na mali siya, okay?” pag-uulit ko.

Sumunod ako sa pila. Itinuro ko sa tindera ang tapsilog at nag-order na rin ako ng chocolate milk. Hindi ako nakakain ng rice kanina. Banana bread lang ang kinain kom Maaga pa akong umalis at gutom na gutom ako. Snack bar at Lipton Iced Tea naman ang binili ni Keira at Arisa.

Sumingit si Arisa sa aming gitna. “He got offended nga! Huwag niyo ng ulitin ang sinabi ko para tapos ang usapan! Maghanap nalang kayo ng mauupuan natin. Nagdadaldal na naman kayo e,”

The canteen was very busy. Maraming estudyante. Naghanap kami ng mauupuan pagkatapos namin makuha ang pagkain namin. There were some college students too kaya siksikan at walang bakanteng upuan. Nag-antay muna kami ng mga junior high na matapos kumain. Just after 2 minutes, they stood up.

The table was left untidy. Masama ko silang tinignan. Hindi ako umupo hanggang hindi nila inaayos ang pinagkainan nila. Protocol ng canteen ang ilagay ang pagkainan sa isang gilid kung saan kukunin ng cleaner. Hindi man labg masunod ng mga estudyante. Ang laki ng nakapaskil na clean as you go. Mga bulag na bata.

Mabilis naman nilang na gets ang masamang tingin ko sa kanila. Nagbulungan pa ang mga ito bago umalis.

Marahan akong siniko ni Keira sa aking tagiliran. “Stop leaving left bad impression sa mga bata. Baka gusto mong maging mabait itong mukhang 'to,” si Keira at tinuro ang mukha ko.

Tinabig ko ang kamay niya saka naupo, “May policy ang canteen. Dapat alam nila 'yun. Saka ano bang problema sa mukha ko?”  inis kong tanong.

Ngumuso ito, “Ang sungit mo.” Kita ko ang pag-irap ni Keira. Umupo siya sa tabi ko at si Arisa naman ay nasa harap namin. We were about to open another topic when Damian, Hector, and Steph suddenly seated beside us.

Nagulat pa si Arisa sa pagdating nila. Nainis naman si Keira dahil hindi man lang nagpaalam na uupo sa table namin. It was actually a two table na magkadikit. Dahil tatlo lang kami, may isang vacant table pa sa tabi namin.

“Nagpaalam ba kayo?” masungit na tanong ni Arisa.

“Wala namang nakaupo. Unless binayaran niyo 'to…” si Hector na umupo sa tabi nila Arisa. Nginitian niya ako at ginantihan ko 'yun. “Saka aanhin niyo ang mahabang lamesa? Mag papa fiesta ba kayo?” he laughed at his not funny statement.

Suminghap si Arisa. Pikon na ito. Hindi na siya nagsalita. Umupo na rin si Stephen at Damian tapat ni Hector. Sa lahat ng pagkakataon ay laging si Damian ang nakakatabi ko. Pero ngayong araw, parehong busangot ang aming mukha at tila nandidiri pa sa presensya ng isa't isa.

“Hi, Eunice! Long time, no talk!” masayang bati naman ni Stephen. Bumati rin si Elgene at Mones. I awkwardly smiled at Stephen. Inisip kung kailan nga ba kami huling nag-usap. Hindi ko maalala kahit nasa iisang klase lang kami.

Ang totoo niyan, parang hindi ko nga siya nakikita unless kasama niya si Damian. Lima naman sila 'yan laging magkasama. Maingay tuwing nasa hallway. They are also always the center of attraction here sa building namin. Hindi lang girls, pati ay sa boys! Hindi ko alam kung bakit, paano nangyari, at anong himala bakit lagi silang dinudumog pag nakikita.

I get that boys sometimes has a lot of circle of friends unlike us girls na iisa lang talaga ang group of friends. O baka ako lang? Si Keira, Arisa at Adora lang naman ang kaibigan ko. Idagdag mo pa si Mira.

Afraid of Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon