May tumikhim sa aking likod. Para bang pinapahiwatig na tumabi ako dahil hindi sila makadaan. They looked at me with such nuisance. Agad akong tumabi. I even muttered sorry. Pero inirapan lang nila ako. They aren't even a student here para irapan ako. Saka kung nag-excuse sana sila ay agad kong malalamang nakaharang pala ako sa daanan.
Nakatanaw ako bulletin board habang inaantay nasagutin ni Keira ang phone niya. I called her twice ngunit hindi niya ito sinasagot. Nasaan ba 'tong babaeng 'to?
“Bakit ganyan na naman ang mukha mo? May gusto ka ba ron sa David? Binigayan ka lang ng rose nagpa-sway ka na agad.”
Masama kong tinignan si Damian. I'm not upset. I'm really irritated. Iyon ang gusto kong sabihin. Wala namang dahilan para maging bastos siya kay David. Napahiya 'yung tao. Ang pangit pa ng pagkasabi ni Damian. Nang makita ko ang reaksyon ni David don, alam ko na ang pumasok sa isip niya.
He thinks Damian's my boyfriend!
Naglakad ako palayo kay Damian. Ang cellphone ay nasa tenga parin at inaantay na sagutin ni Keira ang tawag ko. Pinapakalma ko ang sarili ko dahil ayaw ko na namang mainis. Wala naman talaga sa akin kung ako mismo ang gumawa, talagang wala akong pake. Sanay akong mag-reject. Sanay ako magsuplada. Sanay akong magbalewala. Pero pag si Damian! Sobrang nakakainis.
“Jerk.” mahina lang 'yun pero sinadya kong iparinig sa kanya
“Hindi naman. Alam kong wala kang interes sa mga lalaki. Hindi ka naman kasi talaga nagbibigay ng number mo and you did it because you wanted to leave.”
“Ako ang nag decide, Damian—”
He scoffed, “Nakita ko e, you looked uncomfortable. You should be thankful I saved you from giving your phone number.”
Ngumuso ako, “Hindi ko gagawin 'yun. I can deal with him. Hindi ko kailangan ng tulong mo,” pilit ko pa.
Dumaan ako sa kumpulang tao para mawala ko si Damian. Ilang beses akong nakabangga at lahat sila ay galit sa akin pero dahil naka sunod si Damian sa akin ay naiiba ang atensyon nila.
Damian suddenly grabbed my arms at naglakad sa ibang direksyon. Huminto kami sa isang building na may kaunting dumadaang tao.
“Just don't be upset, Eunice. I'm not doing a favor neither. Ginawa ko lang 'yun dahil alam kong napipilitan ka lang. If you've seen your face earlier.”
Damian's piercing eyes caught me off guard. Hindi ko nagugustuhan ang usapan namin. Lagi nalang hindi magkasundo. Pero ngayon, may kakaiba. I've never seen Damian angry. Iba sa pinapakita niya tuwing siya'y naiinis o nakikipag lokohan.
I know his angry. Napasulyap ako sa kanyang naka-close na kamao. Imbes na ako ang galit, ito siya ngayon sa aking harapan at galit sa akin. Umangat ang kilay niya ng umamba akong lalagpasan siya. I don't really want to talk to him right now. Baka lumevel-up ang pagka-inis ko sa kanya. Baka sa susunod ay talagang makakaaway ko siya.
“Kaibigan mo ako, Eunice…”
“Since when?” tanong ko nang hinarap ko siya.
I never considered him as a friend. Hindi dumaan sa isip ko na magkaibigan na kami kahit ilang beses na kaming nagsasama. I'm not like the others na pag may nakikilala they will consider them as friends. Pinipili ko ang mga kaibigan ko. I make sure that they'll contribute something good for me. Hindi 'yung puro kalokohan dahil wala akong mapapala don.
Damian is actually a bully! Nakakainis siya! Tapos friends kami?
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin, “Hindi mo parin ako kaibigan sa lagay na 'yan?” tanong niya at napahilamos sa mukha.
BINABASA MO ANG
Afraid of Falling in Love
Teen FictionBorn with a silver spoon in her mouth, Savannah Eunice Sandoval has it all. Pero kahit anong yaman pa ang mayroon siya, there will always be stories about her and the family as well. She tries not to care what other people think about her dahil mas...