Chapter 9

6 0 0
                                    

I've decided to run for school president in the upcoming academic year. Agad ko 'to ibinalita kay Sir Darwin at maayos ko na ang filing for candidacy ng magiging party ko. Sir Darwin, Keira, and Arisa are the ones who know about this. Hindi ko pa ito pwedeng ipaalam sa iba. What I have to do now is look for qualified candidates for my party list.

There were a few students I had my eye on as potential candidates. They all agreed with me after I spoke to them one by one. So, I didn't bother to insist on what I wanted with those with me last year throughout my governorship because they had no plans to seek a position in the SSG next year.

"You should talk to Dustine Albano, he's qualified." si Arisa sa aking tabi.

Natuon ang atensyon ko sa kanya. Kilala ko si Dustine. Isa siya sa mga debater sa school but I don't know about his leadership experiences. Mahirap na ang walang alam at mangapa kung siya ang binoto.

"Paano mo siya nakilala?" tanong ko.

"Debater 'yun 'di ba?" Tumango naman ako "Saka crush 'yun ng kaklase ko. Wallpaper pa nga kaya kilala ko."

Kinuha ni Arisa ang kanyang cellphone at binuksan para makita ma-search namin si Dustine sa social media. Doon daw naka post ang ilang achievement niya mula noong grade school pa siya.

"Do you think he's good? Baka ayaw niya."

"Baka ayaw mo kasi lalaki." Pagtatama ni Arisa. Umirap ako sa sinabi niya, "We'll look for others. Si Maui ayaw ba?" 

Nagkibit balikat ako. Last year, Maui served as my representative and the batch's governor. Hindi ko pa siya natatanong pero siguro ay bukas nalang. Ayaw ko namang biglain siya sa pakikipag-usap ko sa kanya lalo na't alam kong hindi niya ako gusto.

Nakita ko ang ilang larawan na nakatag kay Dustine. I think it's the name of his mother. Mga competition ang naka-tag sa kanya. He didn't post anything except for his participation in youth activism. Dustine attended some rallies too. Quite interesting.

One time ko palang narinig mag debate si Dustine. Kahit na sabihin kong matalino ako, pag dating sa debate ay hindi ako ganoon kagaling. Hindi ko na rin hiniling na sana ay magaling ako doon. Okay na sa akin ang mairaos at masagot ang tama ang arguments.

My interest caught an uploaded post that he was on the podium and holding a microphone. Lately lang ito but I never heard about it. Hindi naman kasi ako nanonood ng balita at masyadong naghahawak sa cellphone kaya ang turing sa akin ng mga kaibigan ko ay 'outdated'

Arisa moved her head near to mine  "I told you, 'di ba? Dapat ang kunin mo ay 'yung siguradong mapipili ng ibang students. Para straight win kayo. Like last year."

"Wala na 'yung mga kasama ko noon."

"Ayan nga!" tinuro niya ang kanyang picture ni Dustine, "He's good looking. Iyon ang hanap ng mga babae. Debater 'yan, magaling sa salita. Plus points 'yun. Saka kilala siya at may experience. He's overly qualified. Ayaw mo ba?"

"Sinong qualified?" agad pumagitna sa amin si Damian at sinubukang agawin ang phone ni Arisa. "Who's that? A guy?" baling niya sa akin.

"Bakit ka naman nanggugulat bigla!" lihim na napatingin sa akin si Arisa pero ang mga titig ni Damian ay nasa akin parin. Nag-aantay ng sagot.

Nakasunod sa kanya si Keira na may bitbit na yakult. Agad ko siyang sinenyasan na huwag magsalita. Agad naman niyang nakuha ang pinapahiwatig ko.

Pumaharap ako ng upo at pinatong ang paa sa ilalim ng upuan sa harap ko. Hindi ko pa pwedeng sabihin ang plano ko sa pag-run. Pakiramdam ko ay magra-run si Damian. Baka makalaban ko siya. He was the Council's President of SMU kaya hindi malayong mag-run siya ngayon.

Afraid of Falling in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon