# Hugot 6:

222 18 6
                                    

Sabi nila malilimutan mo ang isang tao kung hahanap ka na ng bago. E ano naman yung 'wag kang humanap nang iba para panakip butas sa kanya?


Paano mo nga ba masasabing nakamove on kana?


Move on? Two words pero long process ang dapat.

Move on? Six letters pero undefined ang solution.

Bakit nga ba tayo nahihirapan magmove on?

Kahit sino walang nagmamay-ari. Sabihin mo man na pag-aari mo s'ya.

Wala s'yang kasalanan na iwan ka. Lahat naman kase ng tao pwedeng mang-iwan depende na lang kung gusto n'ya pang manatili sa tabi mo, pero alam mo kung ano ang kasalanan n'ya?

Yun yung iwan ka n'ya kahit ipinangako n'ya sayo na, sa'yo lang s'ya. Yung pinaasa ka n'ya nang sobra. Yung nangako s'ya sa iyo nang todo-todo.

Yung inalagaan ka n'ya na parang prinsesa. Yung sinabing ikaw na. At yung sinabing kahit sino walang papalit sa iyo. Tapos ngayon iiwan ka?

Ang sakit hindi ba?

Wala naman talagang ways para makamove on. Hindi mo pwedeng tanungin ang iba at gayahin ang paraan nila.

Dahil bukod sa magkaiba kayo nang minahal. Magkaiba rin kayo nang dahilan kung bakit nasaktan.

Mahalin mo s'ya nang kahit sa sobra-sobra, sige lang.

Pero lagi mong tandaan na baka dumating yung araw na iwan ka n'ya nang nag-iisa. Na umiiyak at tulad nito nahihirapan magmove on sa kanya.

When you learn to love, don't forget that there's always a possibility to be hurt and being left alone.

Kaya magmove on ka sa paraang alam mo. Dahil kahit sino walang nakakaalam nang sakit na nararamdaman mo at ang pagngiti sa nakasakit sa'yo ay hindi ibig sabihing panalo kana.

Yung sinabing pagngiti, eh yung hindi ka lang sa kanya ngumingiti kung hindi pati sa mga nagmamahal  sa'yo. Ngiti na totoo at walang halong panloloko.

# HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon