May dalawang offer sa isang babae ang isang lalaki.
Yung isa relationship.
At yung isa friendship.
Yung mamahalin ka at yung isa kakaibiganin ka.
Pero sa dalawang offer ano nga bang mas masaya?
Ano nga bang mas okay?
Ano nga bang mas maganda?
Be a friend?
O
Be a love?
Simple lang. Kung ano ang vacant at kung anong available.
Dahil ang pag-ibig hindi pinipilit pero natutuhan. Hindi sinasadya pero dinadahan-dahan.
Hindi masaya kung sapilitan.
H'wag kang magalit sa kanya kung sa dalawang offer yung ayaw mo ang ibinigay n'ya. Hindi naman kasi n'ya sinasadya kung masaktan ka.
Yung tipong kasalungat ng offer mo ang offer n'ya sa'yo.
Mahal mo s'ya? Pero iba ang mahal n'ya.
Mahal mo s'ya? Pero kaibigan lang ang turing n'ya sa'yo.
Mahal mo s'ya pero hanggang dun lang kayo.
Masakit. Lalo na kung one sided love o unrequited love.
Masakit. Lalo na kung masaya s'ya sa iba pero kitang kita ng dalawa mong mata.
Masakit. Oo, pero anong magagawa mo, kung taken na yun tao?
Isipin mo nalang, may relationship kayong dalawa na walang break ups, walang commitment pero mayroong forever.
This friend that will love you not as much as you want but will stay and will never leave you.
--------------
BINABASA MO ANG
# Hugot
RandomEverybody has a story, and everybody has a Hugot. I just want to share mine. But, it doesn't mean I'm broken-hearted it's just I assert that not every hugot is for bitterness, but a lesson to learn.