#Hugot 19

47 5 0
                                    

Nakakainis no?

Yung nasasaktan ka na tapos 'di n'ya pa alam.

Umiiyak ka na, wala man lang s'yang pakeelam.

Galit ka na, pero parang wala lang.

Ang sakit-sakit na pero nakangiti pa s'ya.



Alam mo kung anong mali?

Ikaw. Ayaw mo kasing ipakita yung totoong nararamdaman mo.

Yung totoong ikaw.

Yung nasa loob mo.

Paano nga ba n'ya malalaman kung gusto mong ipakitang malakas ka? Ipakitang masaya ka sa labas? Ipakitang wala kang problema?

Tapos maiinis ka? Magagalit? Kasi akala mo dedma lang s'ya?

Hindi lahat ng tao manghuhula. Na pagtingin mo sa mata, alam mo na agad na may problema.

Na kapag may luha na, malungkot na agad ang ibigsabihin n'ya.

Na kapag tahimik, may masakit sa kanya.


Mayroon tayong bibig hindi lang para kumain, kung hindi sabihin yung nararamdaman natin.

Bakit nagagawa nating magsinungaling pero ang magsabi ng totoo nahihirapan tayo?



Because of pride, that pride that we are always taking but we knew it's not healthy.


Buksan mo ang bintana at ipakita mong nasasaktan ka, hindi yung gusto mong maniwala na ang mata nakakapagsalita. Ang galaw may kasamang dictionary.

Ang ngiti nakikitang peke.

At ang okay, mayroon behind the meaning na 'oo may problema ako, at nasasaktan ako'

Kaya may mga taong nagiging tanga.

Kasing may mga taong ayaw sabihin ang totoo at pinagmumukhang silang tanga.

Mahirap man sabihin na may hindi tama sa'yo pero I think yun ang pinakamadaling gawin.

Ang sabihin ang lahat ng nararamdaman mo bago mo mapansing huli na ang lahat.

Ironic but true.

# HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon