Ang sakit sa feeling na maiwan nang nag-iisa.
Umiyak nang walang kasama.
Tumawa nang wala s'ya.
Tumingin sa langit at bituin nang may luha sa mga mata.
At gumising sa umaga na wala na yung taong minahal mo nang sobra.
Pero para maging maayos ang lahat kailangan mong maging matatag.
Ngumiti kahit nasasaktan.
Tumawa kahit naiiyak.
Mabuhay kahit gusto munang mamatay.
Dahil tao ka, nabubuhay para maging masaya. Kakalimutan s'ya, magsisimula ulit sa umpisa at maghahanap ng iba.
At pagkatapos nang lahat maaalala mo lang yung mga araw na kasama mo s'ya. Parang wala kang nagawa para iwan yung sakit galing sa kanya.
Na parang kahapon lang nangyari ang lahat. At yung sakit parang natulog lang at nang magising ka sa katotohanan na iniwan ka na n'ya, nanlumo ka na naman nang sobra.
H'wag kang magsinungaling sa sarili mong hindi ka na nasasaktan.
Hindi naman talaga dapat na masaktan bago matutong magmahal.
Tandaan mo, kapag natututo kanang magmahal dun ka masasaktan.
Dahil hindi mo iiyakan at hahabulin ang isang tao kung hindi importante sa'yo at hindi s'ya ang mahal mo.
Malalaman mo lang ang importansya ng isang tao, kapag napansin mong wala na s'ya sa tabi mo.
Life must go on, even if they hurt you so many times. The only thing you can do is to continue living. Explore more. Find something new. And love somebody else.
Kung iniwan ka n'ya, tapos hinabol mo siya pero nung madapa ka sa harap n'ya ay pinabayaan ka n'ya.
Siguro panahon mo na rin para tumayo mag-isa at mabuhay ng wala s'ya. Dahil baka nakahanap na s'ya nang iba at sinabi ni tadhana na, hindi na kayo ang para sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
# Hugot
RandomEverybody has a story, and everybody has a Hugot. I just want to share mine. But, it doesn't mean I'm broken-hearted it's just I assert that not every hugot is for bitterness, but a lesson to learn.