#Hugot 26

5 2 0
                                    

Bakit kaya pinagtatagpo ang dalawang tao na sa huli maghihiwalay din naman?

Na sa umpisa nagmamahalan pero sa huli sasaktan din naman ng isa't isa.

Dalawang tao na nagpangakuan pero sa dulo nagkabawian.

Yung seryoso sila pareho pero bigla rin namang nagkalokohan sa dulo?

Yung masaya umpisa pero after years nagkasawaan?

After years nagkalimutan.

After months nagkasakitan.

After days natapos din ang lahat ng sinimulan.

In short.

Bakit pa may mga bagay na sinisimulan pero natatapos din naman?

Yung tipong hindi naman pala nakatadhana pero pinagtatagpo pa.

Hindi naman para sa isa't isa pero hinahayaang pang tumagal ang pagsasama.

Bakit hindi nalang pagtagpuin ang lahat ng manloloko at hayaan silang masaktan pare-pareho.

Hayaan yung mga seryoso at gawing strong ang relasyon hanggang sa dulo.

Pagsamahin ang mga sinungaling at ilayo sa tapat.

Hayaan ang mga naglalaro at bigyang space ang totoong nagmamahal.

Bakit nga ba hinde?

Anong purpose?






To just get hurt?

To make you cry?

To feel you sad?

For you to learn?

Why aren't bastards fall inlove to bastards and angels fall inlove to angels?

Simple lang.





Para alam mo yung mga bagay na dapat gawin mo at yung mga bagay na dapat na iwasan mo na.

Yung mga bagay na nakakatalino at yung nga bagay na alam mong pinagmumukha kang tanga.

Yung alam mong this time, hindi pa rin yan seryoso.

Na this time, dapat kilalanin ko munang mabuti bago ako sumugal nang todo todo.

Pero bakit yung iba, ilang beses nasasaktan tapos hindi pa rin natututo? Bakit nga ba?

Why people still chose to love after so much pain?
Dahil.....
wala naman talagang balak si tadhanang pigilan kang magmahal ulit. Kundi ang matuto ka lang at maging matapang.

Yung magmamahal ka parin pero this time mas maingat.

-------

# HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon