#Hugot 25

13 2 0
                                    

Kelan nga ba dapat sumuko?

Yung tipong bigla ka nalang hihinto.

Yung may preno pag gusto mo nang huminto.

Yung may green lights na magsasabing 'tama na, hanggang dito nalang.'

O yung may sign na 'dead end na to, kaya tumigil ka na.'

Gaano nga ba nating kagusto na sana kahit minsan may magsasabing....
Sumuko ka na kasi kahit anong gawin mo walang ng worth it sa lahat ng ginagawa mo.

Sumuko ka na kasi kahit anong mangyayari hindi na yan magbabago.

Sumuko ka na kasi kahit anong sabihin mo hindi yan susunod sa gusto mo.

Sumuko ka na.


Oo, give up na.


Dahil nagsasayang ka lang ng oras sa isang tao na pinipilit mong magtatagal pa kayo pero ang totoo.... sya? matagal ng naniwalang maghihiwalay din kayo.

Na after all, you're not for him and everything was just a part of growing up.

Kelan nga ba natin dapat sabihing
'TAMA NA,
AYOKO NA TALAGA,
HINDI AKO MAGSISISI KUNG IWAN SYA,
KASALANAN NAMAN NYA,
OKAY LANG KAHIT MAGHIWALAY NA,
SASAYA DIN AKO,
AH BASTA! SIGURO MAS OKAY NANG WALA SYA."

tapos walang kasunod na........

'What if?'

Walang kasunod na.......

'Baka mali ako. Dapat pala......'




Hindi naman talaga ang pagsuko ang hinihintay nating abutin tayo kung hindi hinihintay natin na sana this time.... after kong sumuko wala akong pagdadalawang isip na balikan sya.

Hindi ako magsisisi na ginawa ko pang iwan sya.

Na sana hindi ako sumuko.

Na sana hindi ako nagpadalos dalos, kahit all these years alam mo sa sarili mong ang dami mong ginawa para lang mabuo ang desisyong.... makipaghiwalay na.

Why we should make a decision but at the end we'd regret?
Just simply because...
For you... not to regret on not making a decision. That atleast, you have tried.

Walang masamang magsisi. Parte naman talaga iyon ng bawat decision, at yun. Yun ang pumipigil sa isang tao na gumawa ng mga decision.

Hindi tayo natatakot na sumuko, alam talaga natin kung kelan.

Pero..
Natatakot tayong magsisi, dahil hindi na natin alam ang susunod na mangyayari kinabukasan.

------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

# HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon