Sino ang pipiliin mo ?
Yung nakaraan mo na gusto mong balikan ?
O
Yung ngayon mo na ayaw mong saktan?
May mga pagkakataon talagang dapat ka mamili sa dalawang bagay na mahalaga sa'yo.
Mga bagay na kahit ayaw mo, darating ka sa punto na dapat ka nang mamili sa pagitan ng dalawang tao. Yung nakaraan mo at yung ngayon mo.
Yung minahal mo at minamahal mo.
Yung buhay mo noon at yung buhay mo ngayon.
At ang higit sa lahat ay yung sinaktan ka at minahal ka nang totoo.
Hindi ka lalayo at kakalimutan ang nakaraan, kung hindi ka nasaktan.
At hindi ka rin hahanap ng bago kung s'ya pa rin ang gusto ng iyong puso.
Hindi maiiwasan na isipin na balikan s'ya dahil bukod sa naging masaya ka sa kanya, s'ya rin ang minahal mo nang una.
Pero hindi dahil gusto mo s'yang balikan ay mahal mo na s'ya tulad nang pagmamahal mo sa kanya noon. May mga bagay lang talaga, na kapag naging parte na nang buhay mo importante na rin sa'yo.
Lahat naman may hangganan.
Tulad nang nakaraan mo baka hanggang dun nalang talaga, nahinto na ang love story n'yo. Why don't you try ang bagong kwento nang buhay mo.
Mahalin mo si ngayon. Try mong ang nakaraan mo naman ang maghintay sa iyo. Dahil kung mahal ka talaga ng isang tao, kahit gaano pa katagal maghihintay s'ya para sayo.
Kung kayo ang nakatadhana para sa isa't isa, kahit sino walang makakapigil. Magmahal ka man ng iba, babalik at babalik ka sa kanya.
Pero sa panahon ngayon, h'wag mong saktan yung taong walang ginawa kung hindi mahalin ka.
Na kahit alam n'ya ring darating ang panahon na iiwan mo s'ya ikaw pa rin ang pinili n'ya.
Tulad nang ipinaglaban ka sa nakaraan mo at inalis ang sakit na naramdaman mo.
Dahil may mga tao talaga na para sa taong mahal nila, handa silang masaktan kahit sa salita pang sobra.
-------------------------------------------------------------
Hi. I just want to plug my one shot story entitled " V ". Just go to my works and there it is. Advance thank you for those who will try to read. :)
And by the way. For those who want to give a topic so I can make some # hugot just go to my message board and write there. And i'll dedicate it to you. In my message board huh .
Thanks! Just keep reading and voting :)
BINABASA MO ANG
# Hugot
RandomEverybody has a story, and everybody has a Hugot. I just want to share mine. But, it doesn't mean I'm broken-hearted it's just I assert that not every hugot is for bitterness, but a lesson to learn.