# Hugot 12

86 8 0
                                    

Promise meant to be broken.

Sabi nila. Pero para sa akin yung promise nananatili.

Pero yung taong nangako ang nawawala.

May mga promise na kaya sinasabi dahil minsan mas minamahal natin ang isang tao kapag pinapangakuan tayo.

May promise din na kaya nasasabi ay dahil nabibigla o no choice na.

Mayroon din namang promise na kaya sinsabi ay para mapasaya lang ang kausap n'ya.

May promise din na kahit hindi nila kaya, sinasabi para maging okay ang lahat.

Pero ang masakit na promise ay ang intensyon talaga ay ang mapaniwala at mapaasa ka lang .

Yung tipong dahil mahal mo sya, papangakuan ka at ikaw naman itong maniniwala.

Walang masama sa naniniwala pero h'wag kang agad nagtitiwala.




May dalawang bagay lang ang bumubuo sa pangako.

Ang una ay yung nangangako

At yung pangalawa ay yung pinapangakuan.

Yung nagsasabi at yung nakikinig.

At yung nagpapaasa at umaasa.

A promise is not really meant to be broken. As long, as that person who is promising to you is trustful and truthful for all the words he has said.

Dahil minsan ang taong sobrang tiwala ay nakakalimutan na may salitang panloloko. Na akala nila ay sa sobrang mabulaklak nang sinasabi sa kanya, ang lahat nang iyon ay totoo na.

Hindi ko sinabing h'wag kang maniwala o kaya magtiwala ka sa kanya.

Ang point dito, umasa ka sa mga bagay na alam mong makatotohanan at hindi sa mga bagay na alam mong pam-fairytale lang.

At saka hindi naman talaga kailangan kang  pangakuan para masabing totoo sya at mahal ka talaga.

Dahil minsan mas magandang mapatunayan nya ang isang bagay na hindi ka pinapangakuan.

Isang bagay na para sa iba kahit kelan walang nagpapatunay pero siya nagawa nya dahil mahal ka.

------

# HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon