#Hugot 20

36 4 0
                                    

EX.


Yung taong hindi mo pa nakikita pero inis na inis ka na.

Yung taong kinukwento n'ya palang nagagalit ka na.

Yung taong panget na panget ka.

Yung taong pinanggigilan mo kahit hindi ka naman inaano.

At yung taong hindi naman multo pero kinatatakutan mo.

Kinatatakutan mo hindi dahil duwag ka kung hindi, baka makuha n'ya pabalik yung taong BAKA ipinahiram lang n'ya at ngayon binabawi n'ya na.


Hindi naman masamang magdamot ka.

Yung tipong magiging spoiler ka ng future. Yung pangungunahan mo na ang isang bagay na hindi pa nangyayari. Na wala pang kasiguraduhan.

Mainis ka, magalit at magselos pero tandaan mo sa bawat paghihinala mo.

Unti-unti ding nawawala ang tiwala mo.

Unti-unti ding nasisira ang relasyon n'yo.


Matakot ka kasi baka bawiin n'ya na s'ya sa iyo, pero h'wag kang lumaban dahil ayaw mo s'yang ibigay o dahil hindi mo kayang mabuhay na wala s'ya.

Lumaban ka kasi mahal na mahal mo yung tao. Importante s'ya sa'yo.

Dahil bawat laban na may kasamang pagmamahal, mabuti ang bawat pangyayari.

Use your both weapons. Heart and mind.

Use your mind to fight correctly, use your heart to fight passionately.


But if one day this might happen.

Yung sa dulo natalo ka pa rin?

Maging malungkot ka, okay lang pero h'wag kang mawalan ng pag-asa.

Di ba nga? Ang tao hindi aalis kung mahal ka pa. Umalis man 'yan, babalik pa rin sa'yo kung nakatadhana talaga kayo.

Pero kung hindi na bumalik at sumama na s'ya sa iba. Isipin mo nalang na hindi mo kayang magturo kung paano magmahal ang hayop.

Malay mo, makikinig lang ang isang hayop sa kapwa n'ya hayop.

At in the end, mga hayop pala talaga sila. Maging masaya ka, kasi nalaman mo nang maaga.

O kung huli man, at least natuklasan mo pa rin. Masakit man pero makakamove on ka pa rin.


Di tulad ng iba na mas maraming pagsisisi ang nakuha at luha na naiyak na.

-----------

# HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon