Bakit nga ba tayo umaasa?
Yung tipong magtitiwala tayo sa isang bagay na hindi naman satin talaga.
Kakapit sa isang tali na mapuputol din pala.
Maniniwala kahit alam na masasaktan lang sya.
Ingingiti ang mga labi pero alam namang iiyak din ang mga mata.
Bakit?
Bakit nga ba ang hilig nating umasa sa mga bagay na pwede din mawala ng bigla bigla?
O kaya....
Magmahal ng taong hindi naman tayo sigurado kung mahal ka ba talaga o pinapaasa kalang sa wala.
Aware na tayo sa mga pafall di ba? Huwag mo mang i-admit, alam mo sa sarili mo na may chance na pafall lang yung tao na iniikutan ngayon ng mundo mo.
Binubuhasan mo ng oras.
Pinahahalagan mo ng sobra.
Iniintindi mo ng grabe.
Iniiyakan mo ng palihim.
Aware ka.
Di ba?
Pero patuloy ka pa ring umaasa.
Bakit nga ba?Bakit kahit alam mong mas malaki ang chance na saktan ka nya hindi mo magawang iwan. Hindi mo magawang bitawan. Hindi mo magawang hiwalayan.
Ang mas masakit pa dito, ung hindi naman kayo pero bawat araw ay mas nahuhulog ka ng todo.
Yung sweetness nya hindi mo alam kung para sa kahaliparutan lang.
Yung concerns nya ay kung totoo ba talaga.
Yung missing nya ay hindi ba para sa pagiging bored lang.
At yung pagsama nya sayo ay hindi dahil sa ikaw ang available.... na ikaw yung handang magpakatanga sa kanya from all the people na nasa paligid nya.
Hindi nga kaya?
Umasa ka lang minsan. Hindi pagiging tanga 'yon. Kung sa ibang tao, OO ang tingin nila sayo. Pakeelam nila?
Sila ba ang nasiyahan sa mga araw na kasama mo sya? Sila ba yung nakaranas na mahalin sya? Sila ba yung taong namiss nya.
Yung pinasahan niya nang mga sweet messages.
Hindi naman di ba?
Umasa ka just once. Okay lang.
Hindi naman kasi nila alam yung mga bagay na naranasan mo kung bakit ka umaasa na totoo kayo. Na mahal ka nya. Na merong kayo.
HANGGANG SINGLE KAYO PAREHO.
This can be rude but true. Pwedeng umasa hanggang may chance, hanggang alang madadamay hanggang MAY PAGASA. Umasa ka.
Pero once na umasa ka kahit alam mong ala na talaga. Yan ang sinasabing TANGA.
Asa ng asa kahit ala na talaga.
Asa ng asa kahit alam na tapos na sila.
Asa ng asa kahit sinaktan na sya ng sobra.
They say, don't loose hope. But sometimes there are instances that is not worth the hope. Sometimes you just have to give up. But doesn't mean you are conceding. Its just that there are certain things that you must have stop hoping and start living again. Without hoping but assuring.
Hindi ko alam kung bakit tayo umaasa. Kung bakit nature na ng tao ito.
Pero aminin man natin o hindi.
Alam nating kung kelan hihinto pero sadyang hindi tayo tumitigil. Hindi mo kinocontrol yung feelings mo instead you just leaving wild and free na minsan mali.
Actually hindi ka selfish pag ganon. Selfless ka kung alam mong may masasaktan ka na this time pero itutuloy mo pa.
Hindi naman kasi sila ang sinasaktan mo talaga kung hindi ang sarili mo.Just Hope, but remember to love yourself.
-------
BINABASA MO ANG
# Hugot
RandomEverybody has a story, and everybody has a Hugot. I just want to share mine. But, it doesn't mean I'm broken-hearted it's just I assert that not every hugot is for bitterness, but a lesson to learn.