# Hugot13

89 10 0
                                    

Sabi nila wala sa tagal nang ligawan ang  sukat nang pagmamahalan.

Pero bakit sinasabi din nila na para mapatunayan mong mahal ka n'ya pahirapan mo muna.

Gulo 'hindi ba? Kasi nga sabi nila.

Kung mahal nyo ang isa't isa h'wag n'yo  nang patagalin pa. Tama . Pero may mga pagkakataon na kahit may pagmamahal sa pagitan n'yong dalawa hindi dapat pabigla-bigla ka.

Hindi porket naamin mong mahal mo na s'ya dapat kayo na.

Hindi ibig sabihin na legal na ang panliligaw n'ya boyfriend na agad ang tawag.

Hindi porket tinutukso kayong dalawa nang mga kaibigan n'yo, papatol na kayo.

Karaniwan nang padalos dalos na pagmamahalan. Nauuwi rin sa padalos dalos na hiwalayan.

Sabi nga, ang magmahal ng isang tao ay madali lang. Pero ang mapanatiling mahal mo s'ya hanggang dulo ay iba nang kwento.

Sa isang relasyon hindi mo maiiwasang magkasawaan. Maisipang minsan hindi mo na s'ya mahal. O worst maisip mong ang relationship n'yo ay wala nang patutunguhan.

Pero kung mahal mo talaga s'ya. Ang salitang hindi ka magsa-SAWA ay kasingkahulugan nang salitang KONTENTO.

Nagsasawa ka kasi naghahangad ka nang iba. Nagsasawa ka kasi gusto mo nang bago. Nagsasawa ka kasi naiinggit ka sa mga nakikita mo.

Tama lang namang maghangad ka nang iba. Pero isipin mo naman s'ya, na kahit hindi ka perpekto makasama ka lang masaya na s'ya at kuntento.

Kaya para sa akin?

Sa pagpasok sa isang relasyon dapat handa ako sa pagsasakripisyo. Yung handa akong masaktan maging masaya lang s'ya.

Bawasan ang pagiging moody ko kasi baka mamaya isipin n'ya hindi s'ya sapat para sa akin.

Na yung mga bagay na halos kinasanayan ko nang gawin nung wala pa s'ya, ay dapat kasanayan ko ding hindi na gawin pa.

Because love is like gambling, even if you don't know if he's your forever you'll bet that he is.

Kahit gano katagal ang paghihintay n'ya,  kung mahal ka talaga hindi n'ya iisiping aksaya oras lang. Kundi ang iisipin nya ay .....

'Gano man katagal, hihintayin ko s'ya dahil mahirap man lahat ito worth it lalo na kung para sa kanya. '

Dahil hindi ka pumasok sa isang relasyon para maglokohan, masaktan at mapaglaruan. Kaya ka nga nagmamahal kasi naghahanap ka nang taong gusto mong makasama habangbuhay.

Baka nga sa sobrang paghahanap mo at pagta-try , nakalimutan mo na naghahanap ka dahil gusto mo s'yang makilala at hindi para magbilang  ng taong nakarelasyon muna.

Hindi matatawag na relasyon kung alam mong umpisa pa  lang hindi na kayo parehong seryoso dahil kahit kailan ang pagloloko ay hindi  naging totoo.

# HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon