Masama ang tingin ko kay Parn nang makita ang pagpipigil niya ng tawa no'ng madulas ako.
"Nananadya ka ba?! You know what, I'm done here!" Inis na sabi ko at nagsimula nang maglakad para bumalik sa bahay nila. Nakakainis na ang ginagawa niya. Isinama lang naman niya ata ako rito para asarin lang!
"Okay, ingat ka na lang ah. Marami pa namang ahas dito." Sabi niya pero hindi ko na pinansin.
Dahil siguro sa galit at inis ko ay hindi na ako nadala sa pananakot niya.
"Hindi mo kasama si Parn?" Tanong ni inay Minerva nang makita niya ako. Nagpapakain siya ngayon ng mga alaga nilang baboy.
"Iniwan ko na po siya ro'n." Sagot ko. Umupo ako sa isang mahabang upuan na kahoy at sumimangot.
Kaya ko naman pakisamaan si Parn, e. Pero anong magagawa ko kung siya ayaw niya akong pakisamahan?
"Pahinga lang po ako." pagpapaalam ko at dumeretyo na sa loob ng bahay nila.
Tumambay ako sa may terrace sa second floor habang hawak ang picture namin tatlo nila Mommy.
"I really miss you Mom, Dad." bulong ko at hindi ko namalayan na tumulo na 'yong luha ko.
"Hoy kakain na."
Napamulat ako nang tapikin ako sa balikat ni Parn. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako rito sa terrace nang hindi ko namamalayan.
"Okay." I simply answered at sumunod na sa kanya sa baba.
Habang kumakain, panay ang kwento ni inay Minerva about sa pag-aalaga niya sa akin. I just don't know, but I feel na parang naiinis si Parn.
"Mahal na mahal mo talaga 'yan 'no?" sabi nito at tinignan pa ako ng masama.
Hindi nalang ako nagsalita dahil ayaw ko nang dagdagan pa ang galit niya sa'kin.
"Para ko na ring anak 'yan si Tres." sagot ni inay Minerva. Parn sarcastically laughed.
"Swerte naman niya kung ganon." he said. "Mas naramdaman niya pa ang pagiging ina mo, kaysa sakin na sarili mong anak." mahinang patuloy niya saka tumayo. "Tapos na ako." Sabi nito at umalis na sa harap namin.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Now I know kung bakit ganon nalang ang trato niya sa'kin.
He feels na parang inaagaw ko ang atensyon ni inay Minerva. Galit siya sa'kin dahil imbes na siya ang alagaan ni inay Minerva ay pinili niyang lumuwas para mag-alaga ng ibang bata.
"Me too po tapos na." pagpapaalam ko sa kanila at sinundan si Parn.
Nakita ko siya na nakaupo sa labas ng bahay.
Sinamaan pa niya ako ng tingin nang umupo ako sa tabi niya.
"Sorry." bulong ko. Feel ko lang na kailangan kong magsorry sa kanya kasi parang sa akin napunta 'yong pag-aalaga na dapat ay para sa kanya.
"Hindi ko 'yan kailangan." he coldly said.
"Even though. I just want to say it. I understand naman kung bakit ka galit sa'kin." yumuko ako. "Sorry dahil nandito ako ngayon sa inyo." I added.
"Wala naman akong magagawa kahit ayaw kitang tumira rito." sagot niya at tumayo na. "Huwag ka lang umasa na magbubuhay prinsepe ka rito dahil wala ka sa bahay niyo." he added bago siya tuluyang pumasok ulit sa bahay.
tbc...
EDITED
BINABASA MO ANG
PaRes AU
FanfictionDue to the death of his parents, Tres De Dios had to go with Inay Minerva to Cagayan Province wherein he met Minerva's son, Parn Santos. started: March 4, 2022 ended: June 2, 2023 May 04, 2022: #2 in #joshtin