"GO FELIP! GALINGAN MO!" sigaw ni Jao nang lumabas ang mga candidate sa pageant para sa opening number nila.
Parang gusto ko namang tumawa dahil halatang napilitan siya na sumayaw para rito sa opening number. Napapailing kong inilabas ang phone ko para makakuha ng video para pang-asar sa kanya.
"IGILING MO PA NG MABUTI! ANG TIGAS NG KATAWAN MO!" sigaw pa ni Jao kaya natawa na ako ng tuluyan. Bwesit na lalaking 'to.
Ang lakas na rin ng sigawan sa buong covered court para i-cheer 'yong mga bet nilang candidate.
Before magsimula sa pag-introduce nila sa mga sarili nila, sinabi na rin nung Host ang criteria for judging para sa pre pageant.
Best in Introduction 10%. For Best in formal attire naman ay 20% 'yong Best in Talent naman ay 30% and last 'yong advocacy speech which is 40%. A total of 100%.
"Grabe ah, ang ingay naman." napatingin ako sa left side ko nang marinig ko ang familiar na boses na iyon. At hindi nga ako nagkamali, it was Parn. Hindi ko namalayan na nakaupo na pala siya sa tabi ko.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil nagsimula nang mag-introduce one by one 'yong mga candidates.
Noong nasa Manila pa ako nag-aaral, hindi ko naranasan na manood sa mga ganito. Mas gusto ko na lang kasi umuwi sa bahay at magkulong sa kwarto. Exciting pala manood ng mga ganitong events sa school.
"Felip Suson, grade 10 flaming red eagle!" ang lakas ng sigawan nang turn na ni Felip. Napailing ako na natatawa habang pinapanood siya, para pa kasing napilitan lang talaga siya na gawin iyon.
"Ganyan nga, Felip! Ngayon lang 'to, kaya sige! ANG POGI MO!" sigaw na naman ni Jao.
"Well, pogi naman talaga—"
"Pogi? Tsk! Hindi pa nga kumalahati sa'kin 'yan." napatingin ako sa isa kong katabi nang putulin niya ang sasabihin ko.
"Hindi ko naman tinanong?" sagot ko. Babatukan pa sana niya ako pero tumigil siya nang magpakilala si Marj. 'Yong partner ni Felip.
"Marj Resielle De Vista, grade 10 flaming red eagle!" ang lakas din ng sigaw sa kanya. Mukhang mananalo na ang grade 10 sa audience impact.
Pero kumunot talaga ang noo ko dahil sa reaction ni Parn. He likes Marj ba? Napangisi ako.
"Crush mo si Marj 'no?" I teased him kaya tinignan niya ako na kunot ang noo. "Well, maganda ang taste mo huh." tumango-tango ako. Hindi kasi malabo na magkagusto siya kay Marj, maganda kasi, e.
"Ano naman ngayon?" sagot niya kaya natatawang napailing ako at tumingin na sa stage.
I also support Stell. Kasali rin siya sa pageant to represent grade 12 yellow jaguar.
After the introduction nila, may nag-perform lang ng sayaw then after that ay nagsimula na ang formal attire competition.
Sa formal attire, mas angat 'yong attire nung candidate ng grade 8.
"Grabe, ang angas talaga ni Felip." napalingon ako sa likod ko nang may magsalita mula roon. Well, tama sila.
"Tres, mag-cheer ka naman! Ang sakit na ng lalamunan ko rito!" sigaw ni Jao. Kanina pa kasi siya sigaw nang sigaw. Masyado siyang energetic. "Ano upo lang ambag niyo rito?" sabi pa niya sa iba pa naming classmate. Bwesit hahaha.
"Kalmahan mo kasi, pre-pageant pa lang naman 'yan, e." sagot ko kaya hinampas niya 'yong kamay ko.
"Kahit na! Malaking points pa rin 'yan kapag ginalingan natin mag-cheer ano." sagot niya at inirapan pa ako.
BINABASA MO ANG
PaRes AU
FanfictionDue to the death of his parents, Tres De Dios had to go with Inay Minerva to Cagayan Province wherein he met Minerva's son, Parn Santos. started: March 4, 2022 ended: June 2, 2023 May 04, 2022: #2 in #joshtin