CHAPTER 3

155 18 1
                                    

"Iyan lang ba kaya mo? Bilisan mo naman, marami pa tayong aanihin na palay." Napatingin ako kay Parn nang sabihin niya iyon. Kanina pa ako naiinis dahil panay siya utos.

"I know naman na ayaw mo sa'kin, pero sana naman maintindihan mo na hindi naman ako lumaki na ito ang ginagawa ko!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Ano lang? Magsayang ng pera?" he sarcastically laughed. Napaayos ako ng tayo and faced him.

"If that's what you think." sagot ko at nagpatuloy na sa pagharvest ng palay.

Pagkauwi namin kinahapunan ay para akong nalantang gulay. Sobrang napagod ako dahil nakakahiya naman kay Parn.

Hindi narin naman niya ako pinansin and so am I. Ayaw ko rin naman siyang pansinin. Sa sama ba naman ng ugali niya.

"Tres, okay ka lang, anak?" tanong ni Inay Minerva nang makita niya ako. Sakto naman na papasok si Parn sa loob kaya narinig niya ang sinabi ni inay Minerva.

"Ah, o-okay lang po." mahinang sagot ko at napaiwas ng tingin kay Parn.

"Hindi naman nakakamatay ang pag-ani ng palay, inay. Araw-araw ko na iyon ginagawa." malamig na sabi nito at umakyat na sa kwarto niya.

"K-kakausapin ko lang po si Parn." pagpapaalam ko kay inay Minerva at sundan si Parn sa kwarto.

Nadatnan ko siya na kumukuha ng damit sa may aparador sa tabi ng kama.

"Bakit ka ba sumunod? Para iparamdam na mas concern si inay sa'yo kaysa sakin?" sabi nito nang humarap siya sa'kin.

"It's not like that. Hindi mo alam kung gaano ka kamahal ni inay Minerva—"

"Ano bang alam mo?" Putol niya sa'kin. "Siguro nga, pero hindi ko iyon maramdaman. Umalis ka nga." He added at nilagpasan na niya ako. Napa-atras pa ako ako dahil nasagi niya ang balikat ko.

---

Kahit na masama ang pakiramdam ko ay lumabas muna ako ng bahay.

Pumunta ako sa may tindahan at bumili ng tinapay at softdrink.

"Diba ikaw 'yong kasama lagi ni Parn?" tanong nung nagtitinda.

"Y-yes po." sagot ko.

Tumawa naman siya, "Stell nga pala. Ikaw, anong pangalan mo?"

"I'm Tres." nahihiyang sagot ko.

"Nice to meet you Tres, kapag wala kang ginagawa, punta ka lang dito sa'min." Sabi nito. Tumango lang ako bago ako nagpaalam sa kanya.

Pagkabalik ko sa bahay ay tumambay muna ako sa labas. Lumubog na ang araw.

Sobrang ganda ng kulay ng langit. Sobrang ganda rin ng paligid. Maraming puno at maganda rin pagmasdan ang mga tao na naglalakad pauwi sa kani-kanilang mga bahay galing sa bukid.

"Pumasok ka na sa loob, kakain na." parang labag pa sa loob na sabi ni Parn. Napalingon ako sa kanya at ang kunot na noo niya ang bumungad sakin.

"Sige, s-susunod ako." sagot ko. Hindi naman na siya nagsalita at tumalikod na.

Napabuntong hininga ako at pumasok na sa bahay.

Tahimik lang kaming apat habang kumakain. Wala ni isa ang nagsasalita.

Panay din ang tingin ko kay Parn na tahimik din na kumakain.

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Kanina ka pa tingin nang tingin." Sabi nito nang hindi tumitingin sa'kin.

Tumikhim ako, "p-pwede samahan mo ako magpa load? W-wala kasi kayla Stell." mahinang sabi ko. Tinignan niya ako kaya nginitian ko siya.

"Bilisan mo." Sabi nito at tumayo na. Tapos na ata siyang kumain.

Agad na rin akong tumayo at nagpaalam kayla inay Minerva at Itay Kiko.

"Salamat sa pagsama sa'kin, Parn." ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang siya ngumiti pabalik.

"Bilisan mo diyan, ang dami mo pang sinasabi." sabi niya at naunang maglakad. Napangiti ako at sumunod sa kan'ya.






Tbc...

EDITED

PaRes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon