"Ginabi na kayo." iyon ang bungad sa'min ni inay Minerva. Sakto kasi na palabas siya nang makarating kami sa bahay.
"Nanood pa kasi 'to ng pageant." sagot ni Parn at ituro pa ako. Ang sama na naman ng tono ng boses niya. Parang bumalik na naman ang pakikitungo niya sa'kin noong kararating ko sa kanila.
"'Wag ka naman gan'yan kay Tres, alam mo naman siguro na ngayon niya lang naranasan ang manood ng gan'yan." pagsuway sa kan'ya ni inay Minerva.
"Tsk! Parang kasalanan ko pa." sabi nito at pumasok na sa loob ng bahay. I sighed. Ano na naman ba ang nagawa ko?
Nagpaalam na rin ako kay inay Minerva na papasok na rin. Gusto ko na rin kasing magpalit ng damit. Naabutan ko pa si Parn sa kwarto namin at nakaupo sa may kama. Masama pa ang tingin nung makita niya akong pumasok.
"Ano na naman ba ang kasalanan ko sa'yo? May ginawa ba ako?" walang ganang tanong ko habang kumukuha ako ng damit.
"Lahat naman ng ginagawa mo nakakainis."
"Lahat nga rin ng ginagawa mo nakakainis, hindi naman ako nagreklamo." inis na sabi ko saka pumasok sa CR.
Ang hirap niya kasi intindihin. Minsan okay naman ang pakikisama niya, pero kadalasan talaga ay parang may sayad ang utak.
Nang matapos ako magbihis ay lumabas muna ako para makapagpahangin. Napairap na lang ako nang makasalubong ko pa siya sa pinto at para na kaming nagpatintero.
"Nananadya ka ba?" inis na sabi nito.
"Nananadya ka rin ba?"
"bwisit ka." itinulak niya ako kaya napaatras ako. Siya pa ang may ganang samaan ako ng tingin. Kabagin ka sanang animal ka!
Tumambay lang ako sa labas habang nakatingin sa maaliwalas na langit.
Napabuntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko sa bulsa nang may maalala ako. I need to talk to Greg. I need to know what's happening in the company right now.
I dialed Greg's number and he immediately answered it.
[Tres]
"How are you?" tanong ko. Para ko na siyang tatay. And I'm afraid na baka magaya siya sa nangyari sa parents ko since siya na ang namamahala sa company habang nag-aaral pa ako.
[okay lang ako rito, Sir Tres. The investigation are still on going. Malalaman din natin ang totoong nangyari sa mga magulang mo.] he answered.
"Thank you, Greg. For everything. You don't need to risk your life for us. For me. Pwede mong iwan na ang company na naiwan ni daddy-"
[Malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo, Sir. Kaya ko 'to ginagawa dahil masakit din para sa akin ang nangayari sa parents mo. Sinisiguro ko sa'yo na magbabayad ang pumatay sa kanila.]
"Gusto ko ng umuwi. Sunduin mo na ako."
[Hindi pa pwede. Masyado pang mapanganib. Konting tiis na lang, makakauwi ka na rin dito.]
I sighed.
"I understand. J-just be safe," mahinang sabi ko and and nagpaalam na sa kan'ya and ended the call. Ayaw kong may iba na namang mapahamak dahil sa'kin.
---
Tulog na si Parn nang pumasok ako sa kwarto. Mabuti naman dahil ayaw ko na makipagtalo pa sa kan'ya.
"Yeah, Greg is right, koting tiis na lang Tres at hindi mo na makikita pa ang asungot na 'yan." umirap pa ako bago ako nahiga.
Kinabukasan, wala naman masyadong nangyari. Nanood lang kami ni Jao ng mga games sa umaga at nasa stage naman sa hapon para magbasa na naman ng mga dedications at greetings. Naghanda rin kami para sa coronation day na bukas gaganapin. Hindi ako officer pero dahil kay Jao, para na rin akong officer.
BINABASA MO ANG
PaRes AU
FanfictionDue to the death of his parents, Tres De Dios had to go with Inay Minerva to Cagayan Province wherein he met Minerva's son, Parn Santos. started: March 4, 2022 ended: June 2, 2023 May 04, 2022: #2 in #joshtin