Nagising ako dahil sa isang katok. Nakatulog pala ako kanina.
Pagbukas ko sa pinto ng kwarto ko, bumungad sa harap ko si Adi.
"Tara sa PaRes y Adi, maganda view do'n pag ganitong oras." nakangiting sabi niya.
Tumango naman ako, "sige, kunin ko lang 'yong phone ko." sagot ko at pumunta sa may side table dahil nando'n ang phone ko dahil naisipan ko kanina na i-charge iyon.
Nang makuha ko ay lumabas na ako sa kwarto at sabay kaming bumaba. Naabutan naman namin si Parn sa tapat ng pinto at sabay-sabay kaming tatlo na lumabas ng bahay.
"Bilisan niyo, palubog na 'yong araw." tumakbo ka si Adi. Napailing naman si Parn na sumunod sa kan'ya.
"Tres, bilisan mo." Sabi pa niya sa'kin.
Nang hindi ako sumunod ay binagalan niya ang lakad niya hanggang sa sabay na kaming maglakad.
Nang makarating kami sa taas ay namangha ako sa view na nakikita ko. I don't really appreciate sunsets, but seeing this now made me appreciate it!
Inilabas ko 'yong phone ko at kinuhanan ang view na nasa harap ko.
Napangiti ako at umupo sa may malaking bato. Kung alam ko lang na ganito kaganda panoorin ang paglubog ng araw noon ko pa sana ginawa.
Nang makita ko si Parn ay kinuhanan ko rin siya ng picture. Hindi ko rin alam kung bakit ko 'yon ginawa.
"Uyy p-in-icture'an niya si kuya Parn." muntik ko nang mabitawan 'yong phone ko nang biglang sumulpot sa likod ko si Adi. Nakakainis pa 'yong ngisi niya.Para talaga siyang girl version ni Jao.
Speaking of Jao, "may signal ba rito?" tanong ko sa kan'ya. Mas lumawak naman ang ngiti niya.
"Bakit ipo-post mo ba 'yong picture ni Kuya Pa—"
"May tatawagan ako." putol ko sa kan'ya. Pala-desisyon din 'tong isang 'to, e 'no?
"Ayy, oo meron. Pero rito lang sa taas." sagot niya.
Hindi ko na siya pinansin at nag-open na ako ng data and ayon na nga. Ang daming messages and missed calls galing kay Jao at Felip.
"Hoy nasaan ka na?"
"Gago nagtanan na ba kayo ni Pres Parn?"
"Buhay ka pa ba?"
"Gago ka nabalitaan ko nangyari sa inyo, okay ka lang ba?"
Ilan lang 'yan sa mga message nila.
Hindi ko na iyon nireplyan at tinawagan ko na lang si Jao through video chat. Isang ring pa lang ay agad na niya iyon sinagot.
[My God, Tres! Buhay ka pa pala?! Nasaan ka? Shuta ka hindi ka man lang nagpaalam sa'min!]
Iyon agad ang bungad niya. Napairap ako dahil doon, "Sorry about that, hindi ko naala pa na magpaalam sa inyo." sagot ko. Sobrang occupied na siguro ng utak ko noong mga time na 'yon kaya hindi ko na nagawa pang magpaalam sa kanila.
[Tangina ka naman, nag-alala pa kami ni Felip. Pero teh, nasaan ka ba?]
"Umuwi na ako sa'min." sagot ko. "Don't worry, kapag okay na ang lahat, bibisitahin ko naman kayo." dagdag ko pa.
[Miss ka na raw ni Marj, nag add pa nga raw siya sa'yo sa fb, pinapasabi, i-accept mo naman daw.]
"Bakit niya naman 'yon gagawin?" si Parn ang sumagot sa sinabi ni Jao. Hindi ko namalayan na nasa kabilang side ko na pala siya.
[Shuta, kasama mo talaga si Parn?! Pero Parn, okay ka lang ba?!] sigaw ni Jao sa kabilang linya.
"Bakit naman gulat na gulat ka? Lagi naman kaming magkasama. Oo, okay lang ako, siguro. Pero salamat." sagot ulit ni Parn.
"Yeah, unfortunately kasama ko siya." sagot ko.
[Shuta! Wait lang invite ko si Felip at Marj!]
Bago pa ako makatanggi sa sinabi niya ay ginawa na niya at agad na sumagot 'yong dalawa.
[Shit, Tres?!] - Marj
[Pota, Tatlo!] Felip
Sabay pa talaga sila.
"Hi," alanganin kong sabi.
[What's up? Okay ka lang ba? I mean kayo ni Parn] Nakita ko pa ang pagngisi niya. [We miss you na.] patuloy niya. Napatingin ako kay Parn nang tumikhim.
"Ah, umuwi na ako sa amin."
[Uyy gagi, Tres, sino 'yang babaeng nasa likod mo?! Multo?!] sa sinabi ni Felip, napatingin naman ako sa likod ko. Tangina. Natakot pa ako, si Adi lang pala ang tinutukoy niya.
"Tres, grabe naman 'yang kaibigan mo, mukha ba akong multo?!" tumawa ako dahil sa reaksyon ni Adi.
"Oo nga pala, si Adi, kasama namin sa bahay." pakilala ko sa kanila si Adi.
"Hello, Tres' friends!"
"Tama na nga 'yan, gabi na balik na tayo sa bahay." putol ni Parn sa usapan namin. "Bukas na ulit kayo mag-usap, pero sana wala na 'yong isa diyan."
[Naknampucha ni Parn, panira naman ng usapan. Bye na nga Tres, nakakasira ng mood 'yang feeling jowa mo diyan!] sabi ni Jao. Nakita ko pa ang pag-irap niya.
[Bye, Tres, chat-chat na lang us if you have some time.] nag wave naman ng kamay si Marj.
[Parn, 'pag bumalik ka rito isama mo 'yang kaibigan mo ah.] sabi naman ni Felip.
"Bye guys, tawag ulit ako bukas." paalam ko sa kanila and ended the video chat.
"Tara na." tumayo na si Parn kaya tumayo na rin kami ni Adi.
"Nililigawan mo ba 'yong Marj, Tres?" muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway nang tanungin iyon ni Adi.
"Hindi." sagot ko.
"Wehh? Maganda ah, pero baka crush mo?"
"Yeah she's beautiful." sagot ko. Narinig ko pa ang pag "tsk" ni Parn kaya napatingin kaming dalawa sa kan'ya. Sarap niya lang asarin.
"Ikaw kuya Parn, kailan mo popormahan si Tres?"
"What the fvck, Adi?!"
Tumawa ng malakas si Adi dahil sa naging reaksyon ko. Nang tignan ko si Parn ay napapailing din siya sa sinabi ni Adi.
"Joke lang, tara na baka hinahanap na tayo ni Mama."
tbc...
eme lang 'tong chapter na 'to hahaha. bawi next chapter. kimi. sakitan na siguro next ems hahahahaha
BINABASA MO ANG
PaRes AU
Fiksi PenggemarDue to the death of his parents, Tres De Dios had to go with Inay Minerva to Cagayan Province wherein he met Minerva's son, Parn Santos. started: March 4, 2022 ended: June 2, 2023 May 04, 2022: #2 in #joshtin