"Ano ba tawag niyo sa isla na 'to?" tanong iyon galing kay Parn. Nakaupo na kami ngayon dito sa may malaking bato. May malaking puno sa tabi nito na nagsilbi naming silong sa init ng araw.
"Isla De Dios." sagot naman ni Adi.
"E'di iyon na lang din itawag natin dito, garden de dios-"
"Pangit mo naman magbigay ng pangalan, hindi man lang pinag-isipan." putol ko sa kan'ya. kanina pa kasi sila nag-iisip ng itatawag sa lugar kung nasaan kami ngayon.
"E'di ikaw na mag-isip, magaling ka pala, e." sagot naman niya.
"Alam ko na!" napaiwas pa ako nang biglang tumayo si Adi at humarap sa amin ni Parn na malawak ang ngiti.
"Ano?" sabay pa naming tanong ni Parn na siyang ikinangisi pa ni Adi. Walang hiya. Parang 'yong ngisi lang ni Jao 'yan, ah.
"PaRes-"
"Ano?!" sigaw ko agad pagkarinig 'yon. Pinagloloko niya ba kami?
"Makasigaw ka naman, maganda naman ah. PaRes lomihan gano'n." sagot niya.
Napa-facepalm ako. Gusto ko siyang batukan ngayon.
Napatingin naman ako kay Parn na tumatawa pa, "Maganda, unique siya. Kapangalan nung kalabaw ko."
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.
"Diba? Final na, Pares y Adi na tawag natin dito." pagsang-ayon ni Adi with hand gesture pa. Anak ng pares.
"Saan mo naman nakuha 'yong Pares?" kunot ang noong sabi ko.
"Sa pangalan niyo, ang cute kasi. Nakakabusog." sagot niya sabay tawa.
"Tamang desisyon 'yan."
"Bakit hindi na lang PaDi, para tunog banal." suggestion ko. Batok naman galing kay Adi ang inabot ko. Aba naman! Close na ba kami?
"Minus points na naman sa langit nito."
---
Pababa na kami ngayon dahil tinawag na kami ni Manang Lucy para kumain ng pananghalian. Sabi ni Adi, babalik kami mamaya dito dahil maganda ang view kapag palubog na ang araw.
Mas nauuna na naman silang maglakad habang nag-uusap sa kung ano habang ako ay tahimik lang na nakasunod sa kanila.
"Weh? Gusto mo si Tre-?!" napatingin ako sa kanila nang marinig ko ang sigaw ni Adi.
"'Wag kang maingay!" sagot naman nung isa at tinakpan pa niya ang bibig ni Adi para hindi niya maituloy ang kung ano man ang gusto nitong sabihin.
Tsk! Close na talaga sila 'no? Well, wala naman akong pakialam.
Tinignan pa ako ni Adi kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala ka atang pag-asa sa kan'ya kuya Parn." baling niya kay Parn.
"May pag-asa man o wala, wala naman magbabago, gusto ko pa rin naman siya." sagot niya at tumingin pa sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin at napalunok.
Anong pakialam ko naman sa sinasabi niya at kailangan pa niyang tumingin sa'kin? Kainis.
"Tres,"
"Aray-" daing ko nang bigla akong matapilok. Bwesit. Kasalanan 'to ni Parn!
"Tres, okay ka lang?" tanong ni Adi at lumapit na silang dalawa sa'kin. Hindi ko sila pinansin at napahawak sa paa ko. ang sakit, bwesit!
BINABASA MO ANG
PaRes AU
Hayran KurguDue to the death of his parents, Tres De Dios had to go with Inay Minerva to Cagayan Province wherein he met Minerva's son, Parn Santos. started: March 4, 2022 ended: June 2, 2023 May 04, 2022: #2 in #joshtin