CHAPTER 13

130 12 0
                                    

CHAPTER 14



"Dad," pilit kong inabot ang kamay ni Daddy. Puno ng dugo ang buong paligid. Hindi matigil ang pag buhos ng luha ko nang makitang pati si Mommy ay duguan na rin. Pinilit kong gumalaw pero hindi ko magawa. Namamanhid ang buong katawan ko. My eyes became blurry dahil sa walang pigil na pagluha ko.

"Daddy... M-mommy..."

"Tres."

"No! M-mommy!"

"Tres!"

Napabangon ako dahil sa mahinang pagsampal ni Parn sa pisngi ko. Napahawak ako roon. Umiyak ba ako?

Ngayon na lang ulit ako nanaginip about sa accident na 'yon.

"Okay ka lang ba?" kunot ang noo ni Parn habang tinatanong niya ako.

"O-oo" sagot ko at itinulak siya. Sobra kasing lapit niya.

"Tsk! Mabuti naman kung gano'n. Akala ko mamamatay ka na. Bumaba ka na raw at kakain na." sabi niya at lumabas na ng kwarto. Bumaba na rin ako sa kama at pumunta sa CR para makapagpalit. Hindi ko pala namalayan kanina na nakatulog ako habang nagpapahinga.

Nang matapos akong magbihis ay bumaba na ako at naabutan ko sila sa kusina. Ako na lang ang hinihintay nila.

"Mukhang napagod ka, kumain ka na nang makapagpahinga ka na." sabi ni inay Minerva at nilagyan pa ng kanin at ulam ang pinggan ko. Napatingin tuloy ako kay Parn. Nakatingin lang siya roon sa pinggan ko.

"Okay na po ako. Salamat po." Sabi ko at kinuha ko na sa kan'ya 'yong serving spoon. Baka isipin na naman ni Parn na inaagawan ko siya ng ina.

Nang matapos kaming kumain ay dumeretyo na ako sa kwarto. Agad akong nahiga sa kama at malalim ang iniisip.

That dream. Paano ko makakalimutan ang pangyayari na iyon na siyang dahilan para mawala si Mommy at Daddy?

Walang araw na hindi ko naiisip na bakit ako lang ang nakaligtas sa aksidente na 'yon. Bakit kailangang makaligtas pa ako kung maiiwan na lang pala ako mag-isa?

"Bakit niyo ba ako iniwang mag-isa?" bulong ko at napapikit na lang. Naramdaman kong tumulo ang luha ko sa pisngi. Hinayaan ko lang iyon na tumulo at tahimik na lumuha. Pwede bang bumalik na lang ako sa dati kong buhay?

Agad kong pinunasan ang luha ko nang pumasok si Parn. Nakatingin pa siya sa'kin kaya umiwas na lang ako ng tingin sa kan'ya.

Siya ang dahilan kung bakit gusto ko nang umuwi sa bahay. Sa bahay naming. Dahil ayaw kong iniisip niya na sa pamamahay na ito, siya ang ampon at ako ang tunay na anak.

Ayaw ko rin naman na inaalagan pa ako ni inay Minerva na gaya noon. Hindi na siya nagtratrabaho sa amin, hindi ko nga rin alam kung sinasahuran siya ni Greg. Kaya wala na siyang obligasyon na alagaan pa ako. Thankful naman ako sa ginagawa niya, pero sana Makita niya rin na nasasaktan na niya ang tunay niyang anak.

"Sinabi kong hintayin mo ako kanina. Paano na lang kung may mangyari na naman sa'yo? Magagalit na naman si Inay sa'kin."

Napatingin ako sa kan'ya nang magsalita siya.

"Sinabi ko naman na kaya kong umuwi." Sagot ko at umiwas ng tingin sa kan'ya.

"Kaya mo na pala, bakit hindi ka pa umuwi?"

Napatingin ulit ako sa kan'ya nang sabihin niya iyon.

"Talaga naman na uuwi ako, sa sama ng ugali mo, hindi ko gugustuhin na makasama pa kita rito ng matagal. Kung ayaw mo sa'kin, mas ayaw ko rin sa'yo." Masama ang tingin na sabi ko sa kanya.

PaRes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon