CHAPTER 20

142 17 1
                                    

TW: death and violence

"Greg, okay lang ba talaga na kayong dalawa lang ang aalis?" nag-aalalang tanong ni inay Minerva. Kasalukuyan na naming isinasakay sa van na dala ni Greg ang mga gamit ko.



Napatingin ako sa tahimik na si Parn. Nang magtama ang ang mga mata namin ay agad akong umiwas ng tingin.

"Sa ngayon, kailangan ko munang mailayo si Tres dito, saka na kita balitaan." sagot ni Greg kay inay Minerva.

Agad akong napaupo at napahawak sa tenga nang makarinig ako ng putok ng baril.



"Tres!"agad akong nilapitan ni Parn.



Napatingin ako kay Greg nang nakipag palitan siya ng putok ng baril. Napatingin din ako kay inay Minerva at itay Kiko na magkayakap. Shit! Ito na ang kinakatakutan ko.



"Tres, Parn!"



"Inay!" sabay naming sigaw ni Parn nang biglang tumakbo papalapit sa'min si inay Minerva pero agad din siyang natumba.



"Minerva!" sigaw ni itay Kiko at tumayo rin para lapitan si inay Minerva pero isa na namang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid at agad na natumba si itay kiko sa tabi ng asawa.



Nang magkaroon ng pagkakataon si Greg agad niya kaming hinila ni Parn patayo, "Pumasok na kayo sa van dalian niyo!"



"P-pero sila inay Minerva,"



"Tangina," bulong niya at agad na pinaulanan ng putok ng baril ang mga kalaban. "Bilisan niyo na! Parn!" sigaw niya ulit. 



Hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa loob ng van. Namalayan ko na lang na nandoon na kami at paalis na sa lugar na iyon.



"Greg! Balikan natin sila inay Minerva! Parn? Bakit natin sila iniwan?!" agad na hinawakan ni Parn ang nanginginig kong kamay at pilit akong pinapakalma.



"Masyadong delikado, Tres."



Dahil sa sinabi niya hindi ko na napigilan pang umiyak. Kasalanan ko 'to. Napahamak sila dahil sa'kin. Paano ko na lang haharapin si Parn kung ako ang dahilan kung bakit nawala ang magulang niya?



NAGISING ako nang tapikin ako ni Parn sa balikat. Nataranta pa ako dahil nakasandal ako sa balikat niya, "Nandito na tayo." umiwas ako ng tingin.



"Bumaba na kayo, handa na 'yong bangka na sasakyan niyo papunta sa isla." sabi ni Greg pagbukas niya ng pinto ng van.



Kumunot ang noo ko, "Hindi ka sasama sa'min sa isla?" tanong ko.



"Pasensya ka na Tres, hindi ko na kayo masasamahan sa isla. Nandoon ang asawa at anak ko, sila na ang bahala sa inyo." sagot niya. Asawa at anak.



"Paano kung masundan na naman nila kami roon? Mapapahamak na naman ang asawa at anak mo, Greg."



"'Wag kang mag-alala, kaya nilang ipagtanggol ang mga sarili nila." sagot niya. Binalingan niya ng tingin ang tahimik lang na si Parn. "Parn-"



"Ako na ang bahala kay Parn." putol niya kay Greg, "basta mangako kang bibigyan mo ng hustisya ang pagkamatay ng inay at itay ko." patuloy niya. Tinapik ni Greg ang balikat niya.



"Makakaasa ka na mabibigyan sila ng hustisya."



PALUBOG na ang araw nang makarating kami sa isla. Pagkababa namin sa bangka, nakita ko na agad mula sa kalayuan ang dalawang palapag at nag-iisa lang na bahay rito sa maliit na isla. 



PaRes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon