edited... ngayon pa lang sorry na sa mga #PaRes shipper huehuehue.
---
Sa Robinson's Place Tuguegarao kami unang pumunta. Naglalakad kaming sabay papasok sa loob.
"Saan tayo?" tanong ko. Hinawakan naman niya ang braso ko saka ngumiti.
"Arcade!" excited na sabi niya. Pati ako ay na-excite din dahil ngayon na lang ulit ako nakapunta sa arcade.
"Okay, arcade." tumango ako at nagpahila na sa kan'ya sa arcade.
Pumunta muna kami sa machine para bumili ng tokens. Matapos no'n ay hinila niya ako papunta sa may claw machine.
Inilabas ko ang phone ko para kuhanan siya ng video dahil Ang cute niya maglaro. Ang seryoso niya kasi masyado. Halatang determined siyang makakuha ng stuffed toy.
"Ugh! Bakit naman ayaw!" natawa ako dahil naka pout na siyang maglaro.
Tumabi ako sa kanya at naglagay na rin ng token sa katabi niya at nag focus, "Gotcha." bulong ko sa sarili nang may makuha ako.
"Yes!" napatingin ako sa kan'ya nang mahina siyang sumigaw. Yumuko siya at kinuha ang stuffed toy na nakuha niya. Napangiti naman ako at kinuha na rin ang napalanunan ko.
"Hala! May nakuha ka rin?" tanong niya nang makitang may hawak din ako na gaya sa nung sa kan'ya.
"Tara sa iba naman tayo." Ako na ang humila sa kanya. Sa may car racing naman kami naglaro. Tawa ako nang tawa dahil ang lakas ng sigaw niya sa tuwing naibabangga niya 'yong kotse.
"Ayaw ko na niyan, basketball na lang tayo." tumayo na siya at hinila na ako papunta sa may basketball.
Siya naman ngayon ang natatawa dahil hindi ako maka-shoot. Napailing na natawa na lang ako dahil nage-enjoy siyang pagtawanan ako.
Nang magsawa siyang pagtawanan ako sa basketball ay hinila na niya ako papunta sa may videoke.
Ang saya lang na pagmasdan siya ngayon na nage-enjoy.
Natawa ako nang parang ginagaya niya 'yong mga rakista.
Akala ko noong una hindi ko siya makakasundo o magustuhan man lang. Pero sa nakikita ko ngayon na personality niya, masasabi ko na hindi siya mahirap magustuhan.
"Tama na, baka maubos energy mo diyan." natatawang sabi ko. Umupo naman siya sa tabi ko na natatawa rin.
"Hindi nauubusan ng energy ang isang Marj 'no." sagot niya at sabay kaming natawa.
Nang magsawa kami sa arcade ay sa may food gallery niya ako dinala. Gusto niya raw matikman ang mga ilocano dishes nila rito. Well, kahit ako ay excited na din sa in-order niya para sa'min ngayon.
Ang pinaka-sikat daw na dish ay 'yong pinakbet. Hindi naman na bago sa'kin ang pinakbet dahil kila inay Minerva. May in-order din siyang bagnet at ang bago sa'kin ay 'yong tinawag niyang dinakdakan.
Dinakdakan or warek-warek is an Ilocano delicacy made with grilled pork parts such as the face, ears, liver, and tongue. It’s traditionally served as a bar chow or pulutan to go with ice-cold beer but has evolved over the years into a hearty main dish enjoyed with piping-hot steamed rice.
"Masarap 'yan, try mo. Sira lagi diet namin sa bahay kapag gan'yan ang ulam namin sa bahay." sabi niya.
Nakangiti naman akong tinikman ang dinakdakan at gaya nga ng sabi niya, masarap nga.
Habang kumakain kami, hindi ko maiwasan na mapatingin lang sa kan'ya.
When it comes sa pagkain, hindi siya maarte. Na akala ko noong una ay maarte siya kasi halata naman na laki siya sa mayamang pamilya. Totoo nga kasabihan na 'don't judge a book by its cover'.
BINABASA MO ANG
PaRes AU
FanfictionDue to the death of his parents, Tres De Dios had to go with Inay Minerva to Cagayan Province wherein he met Minerva's son, Parn Santos. started: March 4, 2022 ended: June 2, 2023 May 04, 2022: #2 in #joshtin