"Guysssss! Tumahimik muna kayo!?"
Biglang napatingin ang lahat kay Jao nang sumigaw siya sa harap. May announcement ata siya.
"Napaaga ang Junior and Senior prom, may isang week pa kayo para magpapansin sa mga crush niyo para yayain to become your prom date. May practice tayo kapag tapos na ang class sa mga gustong sumali sa cotillion."
Biglang umingay ulit ang room at pinag-uusapan ang tungkol sa in-announce ni Jao.
"Sino magiging prom date mo, Tres?" biglang tanong ni Felip kaya napatingin ako sa kan'ya. "Si Marj ba?"
"Baka hindi na lang ako pupunta—"
"Anong hindi pupunta? Isa ito sa highlight sa highschool life mo ante, pwede naman na wala kang date sa prom night." singit ni Jao na umupo sa harap namin ni Felip.
"P'wede naman ako na lang ka-date mo Tres, ako bahala sa'yo."
Napangiwi si Jao sa sinabi ni Felip, "Tayong tatlo na lang." sagot ko. Umakbay naman sa'kin at kay Jao si Felip.
"Tamang desisyon, Tatlo."
"Pero gusto ko sumali sa cotillion," Sabi ni Jao. Ngumiti naman si Felip at tinapik ang balikat ni Jao.
"Sige sali tayo, p'wede naman ata na tayo ang partner do'n." sagot niya.
"Pwede naman teh, pero kung ikaw lang din naman ang partner ko, 'wag na lang."
"Wag ka na choosy Jao, Mr. N Academy na 'yan." pagsingit ko sa kanila. Napangiwi naman si Jao na parang jina-judge si Felip kaya natawa ako.
"Ang arte eh, ako na 'to Jao— aray ko!" agad na binatukan ni Jao si Felip kaya mas lalo akong natawa.
"What if kayo pala ang magkatulyan— aray ko naman!" Ako naman ngayon ang binatukan ni Jao. Bwesit na 'to.
Mabilis lang na natapos ang araw. Sabay-sabay kaming tatlo na lumabas sa room at nakasalubong lang namin si Parn sa gate. Nakatingin lang sa'min ng kunot ang noo or sa'kin lang.
"Uyy pres Parn—" napatigil sa pagsasalita si Felip dahil biglang lumapit sa'kin si Parn at hinawakan ang braso ko at hinila na ako palabas ng campus.
Napalingon naman ako sa mga kaibigan ko, "ingat Tres!" kumaway silang dalawa at wala na lang nagawa.
"Bitawan mo na ako, sasama naman ako." sabi ko nang maglakad kami papunta sa sakayan.
"Sa prom night, sasali ka ba?" mabagal na tanong niya. Nang tumingin ako sa kan'ya ay nakatingin pala siya sa'kin kaya tumigil ako sa paglalakad at tinignan lang din siya ng diretso sa mata. Tumigil din siya na hindi rin pinutol ang tingin sa'kin.
"Oo," sagot ko. "Tatanungin mo ba ako ngayon na maging prom date mo?" walang alin-langan na tanong ko.
"Asa ka." umiwas siya ng tingin at naglakad na ulit. Nakangiti akong sumunod sa kan'ya.
"Papayag naman ako kung tatanungin mo ako, e." pang-aasar ko pa.
"Tsk! Baka ni-reject ka lang ni Marj—"
"Sabi ko naman kasi sa'yo, gusto ko lang siya as a friend." putol ko sa kan'ya.
"Hindi ko naman tinanong"
"Pero iyon naman ang gusto mong marinig diba?"
"Wala akong gustong marinig."
"Bahala ka. Pinipilit mong gusto ko siya ah, sige siya na lang maging prom date—"
"Oo na, walang hiya ka. Tayo na lang ang date ng isa't isa sa prom." he cut me off kaya napangiti ako.
---
Days passed smoothly. Bukas na ang prom night. Ngayon ay magkakasama kami nila Jao, Felip at Marj sa plasa para bumili ng susuotin.
Sa mga nakaraang araw, pagkatapos nga ng klase o kaya vacant time ay puro lang practice para sa prom ang nangyari. Sumali pa si Jao at Felip sa cotillion. Pumayag naman ang principal namin na sila ang partner.
Ang saya nga eh kasi no'ng nalaman ng iba na sila ang partner, marami na rin ang sumali na gay couples. Nakaka-proud lang na ang N Academy ay sinusuportahan sila.
After namin mamili ay kumain kami sa isang food house. Opening daw kasi kaya may pa-discount.
"Ako na magbabayad ah, salamat sa pagsama sa'kin here." sabi ni Marj nang matapos kaming kumain.
"Ay teh hindi na kami tatanggi diyan." sagot ni Jao na sinang-ayunan naman ni Felip.
Matapos naming kumain ay pumunta naman kami sa isang sikat daw na milktea'han dito. Hindi na libre 'yon dahil nakakahiya na kay Marj.
"Ako na mag-order, ano sa'yo Tres?" tanong ni Felip.
Sinabi naman namin agad ang order namin at humanap ng mauupuan.
"Excited na ba kayo para bukas?" tanong ni Marj sa'min. Agad naman na sumagot si Jao. Ang lakas pa ng bunganga niya.
"Huwag mo naman ipahalata ba excited ka dahil ako ang date mo." sabi ni Felip at umupo sa tabi ko na agad namang binatukan ni Jao.
---
"Tres, dalian mo! Kanina ka pa diyan sa loob!" sigaw ni inay Minerva. Tinignan ko pa ulit ang itsura ko sa salamin bago ako napabuntong hininga na lumabas ng kwarto namin. Nakasuot lang ako ng white long sleeve, navy blue coat at black pants na nabili lang namin kahapon.
Napalunok ako nang makaita ko si Parn na nakatayo sa tabi ni inay Minerva at nakatingin lang sa'kin. Siya rin ay nakasuot ng white tuxedo.
"Tara na," mahinang sabi ko at umiwas ng tingin sa kan'ya. Nauna akong bumaba at sumunod din naman sila agad sa'kin.
"Ang gu-gwapo naman ng mga anak ko, mag-enjoy kayo ha? Parn, alagaan mo 'tong si Tres ha?" sabi ni inay Minerva habang inaayos ang kuwelyo ng suot ni Parn.
Mayapos kaming paalalahanan ni inay Minerva ay agad na kaming sumakay sa tricycle na si Parn lang din naman ang magd-drive at pumunta na sa N Academy. Sa school gymnasium lang din naman kasi gaganapin ang prom.
EDITED!
bukas ulit ang update. salamat sa paghihintay
BINABASA MO ANG
PaRes AU
FanfictionDue to the death of his parents, Tres De Dios had to go with Inay Minerva to Cagayan Province wherein he met Minerva's son, Parn Santos. started: March 4, 2022 ended: June 2, 2023 May 04, 2022: #2 in #joshtin