aly's note: kung reader ka ng au na 'to dati pa, after this chapter, please re-read it dahil doon na po marami akong idinagdag. wala naman siguro ako binago, dinagdagan ko lang. thank you.
---
"Ano bang problema mo?" agad na tanong ko sa kan'ya. Nandito kami ngayon sa side ng gymnasium. "Dahil ba kay Marj? Don't worry, hindi ko naman siya gusto." I added.
"Uuwi na tayo." Sabi nito at hinila na ako. Agad kong binawi 'yong kamay ko sa kan'ya.
"Teka lang, gusto ko pa manood." Pigil ko. Napabuntong hininga siya saka kinuha na naman ang kamay ko at hinila ako sa loob ng gym.
Napatingin pa ako sa kamay ko na hawak niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Para kasing may kuryente 'yong kamay niya.
Nang nasa loob na kami ng gym ay sinasabi na kung sino ang third runner up. Kita ko pa ang pagtalon sa tuwa ni Jao nang hindi si Felip at Marj ang natawag.
Ngayon naman ay ang winner na ang tawawagin. Kinakabahan pa ako. Sana ang grade 10 ang manalo.
"Kung mananalo sila Marj, for sure marami ka na kaagaw sa kan'ya." Sabi ko kay Parn. Kumunot na naman ang noo niya kaya tumahimik na lang ulit ako. Sana pala hindi na ako nagsalita.
"Wala akong pakealam sa kan'ya." Sagot niya.
"Huh?"
"Tsk! Hindi ko siya gusto kaya tumahimik ka na." sagot niya. Ako naman ngayon ang kumunot ang noo. "Hindi siya ang gusto ko." He added.
"Huh? Kung hindi si Marj, sino? Si F-feli-"
"Tanga." Putol agad niya sa sasabihin ko kaya natawa ako. Akala ko may FelipParn ship na hahaha.
"Kung hindi si Marj, hindi rin si Felip, so sino?" napaisip pa ako. Si Jao?
"Sa dami mong sinasabi, tapos na 'yong pageant." Sagot niya kaya napatingin ako sa stage at nakita na kinokoronahan na si Felip at Marj.
"Sila ang nanalo?" gula na tanong ko sa kan'ya. "Hoy teka lang ah, pupuntahan ko lang si Felip." Paalam ko sa kan'ya at tumakbo na palapit kay Jao na kasama na si Felip at Marj.
"Congrats, Felip!"
"Gagi, si Marj hindi mo ico-congrats?"
Napatingin ako kay Marj nang sabihin iyon ni Jao. Oo nga pala. Nginitian ko siya, "Congrats, Marj."
"Shit! Bakla ka, kinikilig na tuloy ako sa inyo." Hinampas pa ni Jao si Marj. Gusto ko siya sapakin dahil sa pang-aasar niya, e. Baka kung ano pa isipin ni Marj dahil sa mga sinasabi niya.
---
Dahil nanalo si Felip at Marj, ililibre raw kami ngayon ni Marj. Ayaw ko sana sumama dahil baka magalit na naman si Parn pero hindi ako pinayagan ni Jao na umalis.
"Tres." Napatingin ako sa likod ko nang tawagin ako ni Marj. Pilit akong ngumiti sa kan'ya at tumayo para makaharap sa kan'ya. "May pupuntahan ka ba bukas?" she asked.
"Bakit?"
"Ah-"
"Gusto ka niya yayain for a date." Putol agad sa kan'ya nung friend niya. Narinig pa nila Jao at Felip iyon at napatingin din sa amin. Hindi na rin makatingin sa'kin ng diretyo si Marj. Nahihiya. Ako rin ay hindi alam kung ano ba dapat ang isasagot. Ngayon lang may nag-aya sa'kin ng date na babae.
"Oo raw, Marj. Payag 'yan si Tres, hindi naman siya busy na tao." Si Jao na ang sumagot para sa'kin. Gusto ko tumanggi pero baka ma-hurt naman siya. Kaharap pa naman namin 'yong ibang classmate namin.
"S-susundin ka namin ng driver namin sa bahay niyo b-bukas ah." Nahihiya na sabi niya. Napalunok ako saka pilit na ngumiti sa kan'ya.
"Okay." Sagot ko. Ngumiti rin siya saka bumalik sa kinauupuan niya kanina kaya umupo na rin ulit ako.
"Iba talaga tama sa'yo ni Marj." Napatingin ako kay Jao nang sabihin niya iyon. Hindi ko namalayan na lumapit pala siya sa'kin. "May pag-asa ba na maging kayo?" tanong niya.
"Bakit ako tinatanong mo niyan?" kunot ang noo na sabi ko.
"Oo nga naman. Si Marj pala dapat magdesisyon kasi siya naman ang sasagot sa'yo if ever." Tumango-tango pa siya. "Ang tanong liligawan mo ba siya?"
"Ewan." Sagot ko. Hindi ko nga alam kung paano manligaw.
"Shuta ka. Maganda si Marj, saan ka pa? O baka naman hindi maganda ang bet mo?" pinaningkitan pa niya ako kaya napairap ako. "Malaking problema ata kahaharapin mo besfriend." Patuloy niya.
"Kung hindi ka naman kasi pala-desisyon, e." sagot ko sa kan'ya. Tinawanan naman niya ako.
"Sige nga, ano dapat isasagot mo sa kan'ya?"
"Hindi ko alam. Ayaw ko naman na mapahiya siya sa harap ng mga kaibigan niya." Sagot ko.
---
"Nand'yan na sundo mo Tres," bulong sakin ni Jao kaya napatingin ako sa likod namin. Nakita ko naman doon si Parn na nakatayo. Mukhang galit na naman dahil sa sama ng tingin niya sakin. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila.
Lumapit naman ako kay Marj para magpaalam at inasar na naman kami nung mga kaibigan niya. "I have to go na, thank you sa libre. Congrats ulit." Nakangiting sabi ko sa kan'ya. Ngumiti rin siya pabalik saka tumango.
"You're welcome. See you tomorrow." Sagot niya.
Tatalikod na sana ako nang humirit na naman ang mga kaibigan niya.
"Wala bang goodbye kiss diyan, Tres?"
Agad din naman niyang sinuway ang mga kaibigan niya at nahihiyang humarap sakin. "Sorry sa kanila, ah?" ngumiti ako sa kan'ya at ginulo ang buhok niya. Para na kasing siyang naiiyak dahil siguro sa ilang dahil sa mga ginagawang pang-aasar ng mga kaibigan niya.
"Okay lang, sige una na ako. See you tomorrow." Sagot ko at pinuntahan na si Parn na seryoso na naman ang tingin.
"Kaya pala ang tagal mo, nakikipag-landian ka pala." Iyon agad ang bungad niya nang makalapit ako sa kan'ya. Hindi ko na lang siya pinansin at nauna nang maglakad. Nakakapagod kaya makipagsagutan sa kan'ya. "Tsk! Kunwari ka pa pala na wala kang gusto sa kan'ya, tapos meron naman pala." Sabi pa niya habang naglalakad kami.
"Ano naman ngayon? Sinabi mo naman na you don't like her diba? So, ano pang ikinagagalit mo?" kunot ang noong tanong ko sa kan'ya. Tumigil pa ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Hindi ako galit." Sagot niya at nilagpasan ako kaya sumunod ako sa kan'ya.
"True ba? Gusto mo talaga siya 'no?"
"Hindi nga, bakit ba ang kulit mo?"
"Then why are you acting like you like her?"
"Hindi ko nga siya gusto!"
"Okay sabi mo, e." pagsuko ko pero hindi ko naman pinaniniwalaan na wala siyang gusto kay Marj. Dine-deny niya lang.
"Hindi ko siya gusto." Ulit niya at humarap sakin. Napatigil tuloy ako sa paglalakad.
"Oo na nga." Sagot ko.
"Hindi ko siya gusto, pero ikaw ang gusto ko."
Tbc...
EDITED
aly's note: kung reader ka ng au na 'to dati pa, after this chapter, please re-read it dahil doon na po marami akong idinagdag. wala naman siguro ako binago, dinagdagan ko lang. thank you.
BINABASA MO ANG
PaRes AU
FanfictionDue to the death of his parents, Tres De Dios had to go with Inay Minerva to Cagayan Province wherein he met Minerva's son, Parn Santos. started: March 4, 2022 ended: June 2, 2023 May 04, 2022: #2 in #joshtin