17(added scene)

104 12 3
                                    

Nagulat ako nang makita si Parn na naka-upo sa gilid ng kama pagkapasok ko sa kwarto. Seryoso pa siyang nakatingin sa'kin.

Hindi na lang ako nagsalita at dumeretyo sa kabinet para kumuha ng damit at towel para makaligo na ako at makapagpahinga. May pasok na kasi ulit bukas.


"Gusto mo ba 'yon? Si Marj?" naapatingin ako sa kanya nang bigla siyang nagsalita. Hindi siya nakatingin sa'kin. Nakayuko lang siya habang nilalaro ang mga daliri niya.


"Bakit mo tinatanong?"


"Sagutin mo na lang."


"Oo, gusto ko siya." sagot ko. "Pero not in a romantic way." mahinang patuloy ko.

"Tsk. Pinapaasa mo lang siya." tumingin siya sa'kin at nagtama ang mga mata namin. "Ang galing mong magbigay ng mixed signals." patuloy niya.

Hindi ko na siya sinagot at pumasok na lang sa C.R.

Habang naliligo ako ay napaisip ako ro'n sa sinabi niya.

Paano kung nabigyan ko nga ng mixed signal si Marj?

"Bwesit na Parn 'yan. Pinag-overthink pa ako." bulong ko sa sarili at tinapos na ang pagligo.

Paglabas ko sa C.R ay nakaupo na siya ngayon sa higaan niya. Tinignan niya pa ako pero hindi siya nagsalita kaya umupo na lang din ako sa kama ko habang pinapatuyo ang basang buhok ko.

"Oo nga pala, may i-ibibigay ako sa'yo." sabi ko saka tumayo at kinuha 'yong paper bag na nakapatong sa study table.

"Ano 'yan?" kunot ang noong tanong niya nang i-abot ko 'yon sa kan'ya.

"Tignan mo na lang." Sagot ko. Kinuha naman niya iyon at ilabas 'yong penguin na stuffed toy.

"Para saan?" kunot ang noo niyang tumingin sa'kin.

"Para sa'yo malamang." sagot ko. Ang sama na naman ng tingin niya, "kamukha mo kasi, naalala lang kita."

"Eh kung ihampas ko 'to sa'yo?" ini-amba niya 'yon sa'kin kaya natawa ako.

"Bakit ayaw mo? Cute nga niyan, e. Akin na nga." aagawin ko na sana sa kanya pero inilayo niya sa'kin. Naiwan tuloy 'yong kamay ko sa hangin at napatitig sa kan'ya dahil sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Binigay mo na, e. Bakit mo pa babawiin?" mahinang sabi niya habang diretyong nakatingin sa mga mata ko.

Napalunok ko nang ilipat niya ang tingin sa labi ko. Tumikhim ako at ako na ang naunang lumayo.

"E-e'di sa'yo na." sagot ko at agad na humiga at nagtalukbong ng kumot.

Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman ako gano'n ka-tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin ng pagtibok no'n ng mabilis.

----

"Hoy, bakit ka tulala diyan?"

Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Jao. Break time namin ngayon.

"Iniisip mo pa rin 'yong date niyo ni Marj 'no?" pang-aasar niya. Napatingin tuloy ako kay Marj na nakaupo sa harap at nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya.

"Hindi 'yong date ang iniisip ko. Siya, siya ang iniisip ko." mahinang sagot ko kaya hinampas niya ako at tumili pa. Bwesit. Napatingin tuloy sila Marj sa'min.

"So, may gusto ka na sa kan'ya?" pag-usisa niya at humila pa ng upuan at lumapit pa lalo sa'kin.

"Hindi naman siya mahirap magustuhan, masaya siya kasama, mabait, walang arte sa katawan at maganda siya. Pero hindi ko maramdaman 'yong pagbilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita o kung magkasama kami." sagot ko. "Gusto ko siya, pero bilang kaibigan." patuloy ko at saka bumuntong hininga.

"Sasabihin ko sanang sayang, pero feelings mo 'yan, e. Pero Tres, paano kung umamin siya sa'yo?"

"E 'di magiging honest ako sa kan'ya. She deserves better, kung pwede lang na ako 'yon, kaso hindi."

---

After our class. Sabay kami ni Marj na lumabas ng room dahil kami 'yong inutusan no'ng last subject teacher namin na dalhin 'yong gamit niya sa faculty office.

"Hoy Tres, may problema ka ba?" mahina niya akong siniko kaya natauhan ako. Nasa tapat na pala kami ng faculty.

"Oo, okay lang."

Matapos naming ilagay sa desk ni Ma'am Clarie 'yong gamit niya ay sabay ulit kaming lumabas ng faculty.

Habang naglalakad kami sa hallway, tahimik lang kami parehas. Ibang-iba sa kung paano namin pakisamahan ang isa't isa kahapon. Parang naging awkward ulit.

Sabay kaming napatigil sa paglalakad nang makasalubong sa'min sa hallway si Parn. Nakatingin lang din siya sa'min.

"Tres," napatingin lang ako kay Marj nang tawagin niya ang pangalan ko. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na p'wede mo akong i-reject if you don't like me. Just please don't give me mixed signals. 'Yong kahapon, ginawa mo lang ba 'yon dahil ayaw mong mapahiya ako sa mga kaibigan ko? Naiintindihan ko naman, Tres."

"Marj, sorry kung feeling mo binigyan kita ng mixed signals. What happened yesterday made me realize na hindi ka naman mahirap magustuhan, Marj. Hindi ka mahirap pakisamahan, pero..."

"Pero hindi mo ako kayang magustuhan ng higit pa do'n." siya ang nagdugtong sa sasabihin ko.

"Sorry," yumuko ako.

"Ano ka ba, okay lang. Thank you pa rin kahapon. Na-realize ko rin na mas masaya ka maging kaibigan kaysa maging jowa." tumawa siya kaya napatingin ako sa kan'ya. "Seryoso, kinilig naman ako kahapon sa mga mixed signals mo, pero naisip ko lang na mas bagay tayo pag magkaibigan lang." patuloy niya.

"Huh?"

"Ano ka ba, naging crush lang naman kita dahil sa pang-aasar ng mga kaibigan ko. Pero okay na 'yon, 'wag mo na lang isipin 'yon."

"Seryoso..."

"Oo nga, tara na. Iniwan ka na ni Parn." sagot niya at hinila na ako.









tbc...

EDITED

ig acc: @alybrgn_

PaRes AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon