"Hi, Tito George! Where's Mom?" masaya kong tanong at ngumiti pa ng matamis sa kanya. Oh fuck him, I wish he knows I'm planning to murder him and where to bury him.Agad niyang tinago ang mga mata niyang kanina lang ay nasusunog sa pagnanasa. He looked at us disgusted. Oh come on, kanina nga lang ay parang gusto na niya akong dakmain. Kunware pa 'tong manyakis na ito.
Kulang pa yata si Mom sa kanya kaya parang gusto na rin niya ako. Kailan ba noong hinawakan niya ako? Ah, when I was eight. Bastos, 'no?
I felt Hezekiah's hand wrapped around my waist. Hindi lang iyon basta pulupot, mahigpit iyon na tila nang-aangkin. I looked at him once again, now he knows.
"Caprice?"
"Mom!" parang hindi ako magkandauda sa saya. Oh yeah, I'm very happy to fucking see her. Dali-dali akong lumapit kay Mom nang makababa siya ng hagdan ay walang sabing niyakap siya. "I've missed you!"
"Oh my gosh, Caprice! Finally! I missed you too, Honey!" bakas ang sobrang saya sa boses ni Mom. Yeah, right. Mahigpit kaming nagyakapan. How I missed this bitch.
"Fake," sabi ng anak ni Mom na dumaan sa gilid namin. Walang pumansin sa kanya. Tumayo siya sa tabi ng ama niyang walang kwenta. Hindi ko na rin siya binigyan pansin because it's not worth it.
"Bakit hindi ka man lang dumalaw dito noong umuwi ka? Last week ka pang umuwi, a." Humiwalay si Mom ng yakap sa'kin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano umirap si Adeline. Buti pa ang babaeng ito, nakakaramdam, 'no.
"What do you expect with your daughter? Mas malandi pa 'yan kaysa sa'yo," George spat. Naging hilaw ang ngiti ni Mom na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni George. Well, ano bang paki ng gagong ito kung lumandi man ako?
Bago pa magsalita si Mom ay inunahan ko na siya. "That's why I'm here, Mom. Delay kasi ang pagpunta ko rito because of Dad. But never mind, I'm here na."
Bumalik ang matamis na ngiti ni Mom at napatingin sa likod ko kung nasaan si Hezekiah. Doon lang pumasok sa'kin na kasama ko pala siya. "By the way, Mom, si Hezekiah, Gideon's cousin."
"We all know," singit ni Adeline na akala mo siya ang kinakausap ko. Palihim ko siyang inirapan at sinadya ko talagang ipakita lamang sa kanya.
"I know him. Siya ang nakausap ko noong tinawagan ko ang phone mo," sabi ni Mom na hindi mawala-wala ang ngiti. Iniiwasan kong mapunta ang tingin ko kay George dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makatay ko pa siya. I wanted to be mean right now but later na lang.
"Hezekiah Salvatore." He handed his hand na agad namang kinamayan ni Mom. Walang ano-ano niyang pinulupot ulit ang braso niya sa baywang ko at sinadya pa talaga niyang ipakita sa kanila. Peke akong ngumiti dahil hindi ko na nagugustuhan ang tingin ni George.
"Nagdala pa talaga ng lalaki 'yang anak mo rito. Wala ba talagang kahihiyan ang malanding iyan?"
Why can't this asshole shut up? I shot my head sideways where he was and winked at him. Gusto ba niyang siya ang nilalandi? Alright, I give him that. Ngumiwi lang si Adeline na nasa tabi niya na parang nandidiri.
"George, nasa harap tayo ng bisita," mahinang ani Mom. Galit niyang tinignan si Mom at walang sabing umalis at dumiretso sa kusina. Gano'n din ang ginawa ng anak niya, she rolled her eyes before following his father. Like father, like daughter, huh. "Pagpasensyahan niyo na ang Tito mo, Caprice. Wala lang sa mood."
Binalik ko ang tingin kay Mom at matamis din siyang nginitian. "It's okay, Mom. Sanay na ako."
I can see how her expression changed but quickly masked it. She looked at us apologetic. "It's been years, Caprice. Oh, I forgot. Magluluto pa ako dahil akala ko mamaya pa kayo darating."
BINABASA MO ANG
SALVATORE #2: Womanizer's Little Girl
Romance"He's way older than me, but he never cared. He's my brother's cousin, the reason why our relationship was hidden." - Caprice Ishii Villaceran Salvatore Series #2 Matured content ahead. You have been warned.