CHAPTER 31

6.8K 145 24
                                    

Paulit-ulit bumabalik sa isip ko na posibleng buntis na ako ngayon. Hindi ito matanggal sa isip ko dahil hindi ko pa tanggap.

Oo, sinabi ko sa sarili ko na kung mabubuntis man ako ng maaga, tatanggapin ko at aalagaan ko pero sa sitwasyon ko ngayon? Mahirap na para sa'kin ang mag-isip. Nahihirapan ako because my anxiety coming back.

Ang tanong lamang na natira sa'kin ay kung paano na ito? Hindi ko na alam. Masyado ba akong nagtiwala kay Hezekiah na hindi ko na inisip at inasahan na magagawa niya ang bagay na iyon? Ni hindi pumasok sa isip ko na pwede pala iyon.

Tangina. Ang sakit na ng ulo ko. Nanginginig ang kamay kong hawak ang pregnancy test. Natatakot akong tignan kung ano ang resulta kaya sa repleksyon ko na lang ako nakatitig. Kitang-kita ko kung paano na ako kapagod sa lahat. Maaalagaan naman siguro ni Hezekiah ang anak namin, iiwan ko siguro sa kanya ang anak namin sa oras na nanganak ako.

Dad pushed me to get pregnancy test para makasiguro. Nag-aalala rin siyang hindi na niya ako maproprotektahan. Natatakot din si Dad na baka huli na ang lahat para sa'kin. They fucking had a video of me. The moment they post that, I'm doomed. Mas lalo akong masisira.

Nabitawan ko ang hawak ko at napasabunot sa buhok. Tangina. Kahit sabihin kong sira na ang buhay ko, mas lalo lang akong madudurog sa oras na kinalat nila iyon. Ano ba talagang kailangan nila sa'kin!? Bakit ba hindi na nila ako tigilan!? Anong mapapala nila sa pagsira sa'kin!? Can't they find some other girl who are willing to do it with them? Nakakadiri sila. Nandidiri ako. I fucking disgust myself.

My eyes settled on the razor. Kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip ko na pwede kong paggamitan noon. I was about to take it to cut my skin when I heard knocks on the bathroom door.

"Caprice, are you done there?" I heard my Dad asked.

Bigla akong natauhan at mabilis na lumayo sa sink kung saan nakalagay ang razor na nakita ko. Damn. What am I thinking? No, no, no. Please no. I don't want to be called suicidal again.

Takot na takot akong napaupo habang tinitignan ang mga kamay ko. Nanginginig ang mga iyon na tila may ginawa na naman akong mali. Hindi ko napigilang mapaluha dahil sa sobrang takot. Ayaw ko na nito.

I shook my head repeatedly and shout loudly when voices started to whisper inside my mind.

"Stop!"

This is what I'm scared of. Ayaw ko nito. Hindi ako baliw. I hate this.

Sana pala kung alam ko noong una na dito pala sa Pilipinas ako magkakaroon ng pinakamalaking trigger at sana nagmatigas akong manatili na lang sa California.

"Caprice! Open the door!"

The last thing I knew, the door opened in one aggressive kick. Nasira ang pintuan sa agresibong pagkakasipa ng kung sino.

Hindi ko na magawang tumingin kung sino man iyon dahil paulit-ulit ko lamang sinasabunutan ang sariling buhok para matanggal ang mga boses na bumubulong sa'kin. Not until someone hugged me tightly.

"I'm here, Caprice. Nandito lang si Daddy, Caprice."

Then I passed out.

I was happily looking at the three men in front of me. They are smiling back at me genuinely that made me like them more.

"Caprice, do you want to be a superstar?" asked the man with a soft smile.

Mabilis akong umiling dahil ayaw ko sa sinasabi. I was only here because my Lola has debt with them. She just granted their request. They wanted me to model their brand as payment of my grandmother's debt.

SALVATORE #2: Womanizer's Little Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon