CHAPTER 28

6.9K 162 21
                                    

"Caprice, anak!" Mom hugged me so tight like she missed me so much. "I missed you, honey."

Ngiting-ngiti akong yumakap din sa kanya ng mahigpit. "I missed you too, Mom."

I mean maybe I'm sincere but I don't meant what I said. Anong miss ko siya? Ilang taon siyang wala sa buhay ko, namiss ko ba? Gusto kong umirap pero ayaw kong makita niya iyon. Sa ilang taong hindi ko siya nakikita at nakakausap ay pakiramdam ko wala talaga akong ina.

Wala naman talaga. Ramdam ko ba ang pagiging ina niya sa'kin? Hindi. Tinuring ko ba siyang ina? Hindi. I consider her my Mom but I never felt her. Para ko lang siyang tiyahin na nangangamusta kapag nagkita.

At namiss nga ba talaga niya ako? I doubt that.

Lumagpas ang tingin ko kay Adeline at nakita ko ang napakasama niyang tingin. Madilim siyang nakatingin sa amin ng ina niya na tila hindi matanggap na yakap ng ina ang isang anak sa kabila. Like hell, sa kanyang sa kanya si Liesa. Paki ko ba sa kanila.

Bumaling ang tingin ko kay Hezekiah habang magkayakap pa rin kami ni Liesa. Mariin ang titig niya at basang-basa ang galaw ko. I know what he was thinking. He knows I'm just pretending right now because he already knew I hated Liesa. Sa'kin lang siya nakatingin at hindi man lang magawang pumikit ng bahagya.

"Buti at pumunta ka," Liesa said as she broke the hug we shared. She put her hands on my shoulders and smiled at me widely ang genuinely.

Tumitig ako sa mukha niya dahil parang may mali. She never smiled at me like that. I don't even know if I had forgotten some moments she smiled at me or she just never did. Ina ko siya pero parang hindi, she never let me feel her love and all duties a Mom should do. Kahit gano'n man, masasabi kong kahit kailan ay hindi niya ako sinaktan ng pisikal. That's the best part she ever contributed in my life.

"Of course. I cannot decline my mother," I said and smiled widely disregarding the bad feeling I felt towards her.

Bumaling ang tingin ko sa mag-ama niyang masama ang tingin sa'kin. Peke ko lamang silang nginitian na mas gumalit sa kanila. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at kay Hezekiah naman tumingin.

May sinenyas siyang kung ano na nakuha ko naman agad. Ngumisi lamang ako sa kanya bago binalik kay Mom ang tingin. I should call her by her name.

"I know, honey." Hindi mawala-wala ang ngiti ni Liesa kahit na lumayo na ako sa kanya at lumapit kay Hezekiah na kanina pa niya hinihintay.

Instead of wrapping his arm around my waist, he freaking touch and squeeze my butt! Fuck this ass! I stopped myself from glaring and talking shit to him. Hinayaan ko lang siya at hindi na pinansin kahit pa sarap na sarap na siyang himasin ang pwet ko.

Nasa likod ko siya kaya hindi kita nina Mom ang kababuyan na ginagawa ngayon ni Hezekiah sa pwet ko.

"Thanks for bringing her here, Hijo," Mom thanked Hezekiah and even smiled at him genuinely. Seriously, what does she want? Kanina ko pa napapansin na iba ang mood niya. I smell something shitty.

Umirap si Adeline sa amin at nauna nang pumasok.

"Adeline," tawag ni Liesa sa isang anak nang walang paalam itong pumasok sa mansyon nila. Hindi nito pinansin ang ina at dire-diretso lang sa loob. Bumuntonghininga si Liesa bago ulit tinuon ang atensyon sa amin. "I'm sorry for my daughter's behavior."

"There's nothing bad about what she did, Liesa. Nainip lang ang anak mo kaya pumasok na sa loob sa tagal niyong mag-usap ng anak mo sa laba-"

"George," ang asawa naman niya ang tinawag ang pangalan na tila pinagsasabihan ito. Liesa even glared at her husband.

SALVATORE #2: Womanizer's Little Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon