Buryong-buryo na ako rito sa condo ni Hezekiah at ayaw man lang niya akong palabasin. Halos kain at tulog na lang ang ginagawa ko rito at mababaliw na ako dahil wala akong halos ginagawa.
Minsan ay nanonood naman ako pero kadalasang ginagawa ko ay magreklamo sa kanya at magmakaawang palabasin niya ako. Ginawa ko na lahat pero hindi siya pumayag. I tried escaping but he always caught.
Madalas din kaming magkasagutan at sa tuwing napupuno siya ay marahas niya akong hahalikan at kakagatin ang mga labi ko. Nagkukulong na lang ako rito sa kwarto ko dahil baka masumbat-sumbatan ko lang siya at kung ano pa ang gawin niya sa'kin.
Bumangon na ako nang hindi ko na makayanan ang bagot na nararamdaman ko. Dalawang araw na rin akong ganito at nagsasawa na ako. I should try harder to convince him. Bibili lang naman ako ng mga gamit dahil napansin ko konti lang ang gamit ko rito. Well, para sa'kin konti lang pero marami na iyon sa iba.
Papayagan naman siguro ako ni Hezekiah dahil hindi naman ako mambubulakbol. Iyon lagi ang sinasabi niya kaya hindi niya ako pinapayagan. Baka raw magbubulakbol lang ako at kung saang-saang club at bar lang ako pupuntahan.
Like heck. Baliw ba siya? Hindi naman ako lalabas ng walang kasama. Hindi ko rin naman mayayaya si Milly dahil noong inaya ko siya noong isang araw na tatakas ulit kami ay tinanggihan niya dahil baka raw may makakita na naman sa amin at isumbong kami kay Hezekiah. Napapaisip nga ako kung bakit alalang-alala siya roon, ako naman ang malalagot kay Hezekiah at hindi siya.
I think she has another bigger reason for that.
"Kuya Hez," tawag ko nang makalabas ako ng kwarto ko. Medyo may kalakasan iyon para marinig niya.
Tumingin ako sa living room para tignan siya kung nandoon ba siya pero hindi ko siya nakita.
"Hezekiah!" tawag ko ulit nang pati sa kusina ay hindi ko siya nakita. Nilibot ko ang buong condo niya at hindi ko pa rin siya nakita. Pati sa kwarto niya ay wala siya.
Napakunot noo ako. Saan napunta ang lalaking iyon? Ilang segundo ang lumipas nang pumaskil ang malawak na ngisi sa mga labi ko. Wala si Hezekiah.
Ibig sabihin nu'n ay pwede akong lumabas. Natuwa ako sa iniisip at dinouble check ko kung wala ba talaga siya rito bago umalis.
Bumalik ako sa kwarto at pakanta-kanta pa ako nang hindi ko talaga siya mahagilap. Nagkalkal ako ng mga damit sa closet na susuotin.
Nang makapili nang isusuot ay kinuha ko ang tuwalya ko at dumiretso na sa banyo. Medyo binilisan ko ang pagligo para hindi ako maabutan ni Hezekiah.
I wore the dress I chose earlier. It was a fit and backless dress. The color suits my skin color. Dahil itim ito ay litaw na litaw ang maputi kong balat. I just put my hair in a high ponytail para hindi matabunan ang likod ko. Para saan pa kung magdadamit ako ng ganito kapag matatabunan din lang.
Hindi na ako masyadong nag-ayos dahil baka maabutan ako ni Hezekiah. Kinuha ko lang ang sling bag ko na naglalaman ng mga importante kong gamit at nagsuot ng sandals.
Umalis na rin ako pagkatapos. Sa mall ako nagtungo dahil gusto kong magshopping. Ramdam ko ang mga titig ng bawat lalaking nadadaanan ko. Meron pa 'yung nagalit ang babaeng kasama nila dahil sa malagkit na tingin nila sa'kin.
Napabuntonghininga ako ng malalim. Ito ang mahirap dito sa Pilipinas. Ibang-iba sa bansang kinalakihan ko. Dito ay kung nakasuot ng maiksing damit ay pinagtitinginan at halata ang pagnanasa sa mga mata nila samantalang doon ay normal lang ito sa kanila at wala kang maririnig na husga mula sa kanila.
"Miss, is this yours?"
Habang namimili ng sandals na bibilhin ay may kung sinong nagtanong sa likuran ko. Hinarap ko ito at tumaas ang kilay ko ng makita ito. Binaba ko ang tingin sa hawak niyang card.
BINABASA MO ANG
SALVATORE #2: Womanizer's Little Girl
Romance"He's way older than me, but he never cared. He's my brother's cousin, the reason why our relationship was hidden." - Caprice Ishii Villaceran Salvatore Series #2 Matured content ahead. You have been warned.