CHAPTER 33

6.5K 151 46
                                    

Hindi ako nakatingin sa kanya dahil pakiramdam ko hindi ko makokontrol ang sarili ko kapag tumingin ako sa kanya. Diretso ang tingin ko kung saan wala siya.

Tiim ang bagang ko at kuyom ang mga kamao. Ang kapal din ng mukha niyang maging malamig sa'kin. Harap-harapan pa. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? I should really talk to him about getting rid of his child. Walang siyang silbi. He will get me pregnant but won't take responsibility? Wala siyang sinabi kahit pinansyal lang na suporta ang ibigay niya.

Basta na lang siyang nakipagdeal kay Dad. He didn't even talk about his child with me. He just told Dad to take care of me because there is a possibility I'm pregnant with his child two months ago. It angered me more and it pushes me more to do my plan thinking that he's not serious about having a child with me. Wala siyang plano sa aming dalawa.

You see? He's here in his condo doing fucking shits with his damn fiance. Siguro pinaligaya siya ng husto ng fiance niya kaya parang galit siya nang makitang bumisita ako. Iniisip siguro niyang istorbo ako sa kanilang dalawa ng fiance niya.

This sucks. Sa lugar kung saan niya ako binuntis ay doon niya rin ginagawa ang mga gawain niyang malaswa. Babaero naman talaga siya noon bago pa ako dumating 'di ba? Kaya anong bago? Bakit nga ba ako nag-isip na seryoso siya sa'kin. Pathetic, Caprice.

Thinking about these shits hurt my head and my stomach but I put myself together. Ano naman kung masakit ang ulo at tiyan ko? Ang importante makausap ko siya at makaalis na sa putang inang condong ito. Binabaliw lang ako ng mga iniisip ko sa kanya.

My life was a dead hell before but when came, it turned out a living hell. He fucked up my whole life and I don't know what to feel anymore. I feel numbed.

Walang buhay akong tumingin sa kanya nang nablangko ko ang isip ko. I don't want to talk to him having those thoughts. Baka mapasigaw lang ako sa galit sa kanya.

"How dare you deal with my father and yet you're marrying a fucking bitch," I said with gritted teeth.

Kahit gano'n ay kontrolado ang tinig ko. Wala akong pakialam sa tinawag ko sa fiance niya. I know her as the devil's daughter so what restraining myself from it?

His face darkened as he looked at me too. Nakatayo siya sa gilid na may kalayuan sa'kin. I can tell that he doesn't have any plan to sit. Talagang gusto niya itong matapos agad, huh? Fine, I won't fucking give him that.

Tatagal ako rito hanggang sa masagad siya at mag-away kami. Gusto kong siya ang gumawa ng rason para mag-away kaming dalawa. Siya ang sisisihin ko sa mangyayari sa'kin. Do I think crazily? Who cares anyways. Baliw na kung baliw, gagawin ko ang gusto ko.

"You don't know a thing, Caprice. Go home."

I stretched my lips to smirk with no humor at all. Kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon niya pero agad din naman niya iyon ikinubli. He looked away as he clenched his jaw.

"And you do? May alam ka ba, Hezekiah?" sa malambot na boses.

"Go home and let's talk for some other time. You should rest."

"What if I'll tell you that I don't want to? You don't want to talk to me now? It seems to me like you don't want to see me anymore."

"Don't be such a brat and go ho—"

"I'm marrying Leonard," I cut him off.

Mabilis siyang tumingin sa'kin at ang galit niyang mga mata ay agad na nakasalubong ng akin. How I wanted to mock him. Kung magpapakasal siya sa iba, why can't I?

May plano talaga siyang maikasal sa iba habang dala ko ang anak niya? Anong gusto niyang mangyari sa anak naming kung gano'n?! Kahit gusto kong ilaglag ito, alam ko pa ring mag-isip! Kaya nga mas ayaw kong dalhin ito dahil ayaw kong lumaki na iba ang asawa ng ama niya. Siya ang hindi nag-iisip sa amin dalawa!

SALVATORE #2: Womanizer's Little Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon