Emergency

1.4K 37 0
                                    

"Doc,ayos ka lang?"
Tumagilid ako sa aking katulong sa panggamot na si Melissa,na isang omega

"Oo naman,bakit hindi ako magiging maayos?"sabi ko habang tumuloy sa pag aasikaso ng isang Delta na nasaktan dahil sa pagsugod ng isang rouge habang siya ay nag iikot sa border

"Medyo napansin ko kasing  wala kayo sa inyong sarili , doc"

"Hindi,medyo kulang lang siguro ako sa paghinga."
Nitong mga nakaraang araw tuloy tuloy ang pag dating ng mga sugatan na pack member.

Nakakalungkot mang isipin,isang kinakatakutang pinuno ng mga rouge ang may kagagawan ng lahat ng ito.

Kahit ang mga pinuno at hari ng aming angkan hindi magawan ng paraan upang mapatigil siya sa kanyang kasamaan.
Marami naring nadadamay na mga inosenting tao ,dahil sa kanyang pagkawalang puso niya.

"Dahil lahat ng ito sa masamang halimaw na iyon"puno ng puot niyang sabi

Kahit sino naman ,ganon din ang nanararamdaman.

Ngunit hanggang ngayon wala paring nakakapag sabi ng totoo nitong anyo,.

"Mainam na huwag na nating pag usapan ang pinuno ng mga rouge.Dahil walang kabulohan ang pag usapan siya."Sabi ko sa kanya

Tumango na lamang siya.

"Doc Liveen.,may nanganganib ..Mas Kailangan niya ang tulong nyo.Masama na ang lagay niya.!!"tawag sa mindlink ng isang kasama ko.

Limang nurse ang mayron dito sa aming pack house clinic.
At nag iisa akong doctor ng pack.

Wala akong sinayang na oras,tumakbo ako patungo sa pasyente.

Nang makita ko ang sitwasyon niya,nagulat ako.

Wakwak ang kanyang dibdib,naliligo na ng sariling dugo at idagdag pa na sobrang hina ng kanyang puso.
Kahit pa ,sa tapat ng dibdib ang sugat niya,hindi parin na tamaan ang kanyang puso.

"Bilis ,ihanda ang mga kagamitan!"utos ka mga nurse

Mabilis na sila ay nagsikilos,kaya ginawa ko na din agad ang lahat para maligtas ang Delta.

Nilinis ko ang sugat,at nakita ko ang sanhi ng pag hindi niya  mabilis na paggaling.
Natural sa aming mga taong lobo na gumagaling ang mabilis sa ano mang aming matamong sugat.Ngunit iba ang isang ito...

Dahan dahan kong hinigot ang sing laking ng kuko ng tao na pilak sa loob ng kanyang sugat.
Naka baon ito sa laman.Kaya naging rason ito upang   matagalan  ang pag hilom ng sugat.

Narinig ko ng pagsinghap ni Melissa ng makita ang hawak kong pilak.

Pero wala siyang sinabi

Matapos kong tanggalin unti unting,bumalik ang kulay ng kanyang mukha..
Pero dahil sa pilak,hindi pa ito magiging  mabilis  na gumaling.Kailangan makapag pahinga at maka recover ang kanyang katawan.

Matapos kong matahi ang sugat,humarap ako kay Melissa.

"Ikaw na ang bahala Melissa"bilin ko
Tumango naman agad at naintindihan ang ipinararating ko.

Siya ang mag aayos sa Delta ,dahil malayo na siya sa tiyak niyang kamatayan.

Kailangan ko pang puntahan ang ibang pasyente.

......

Napahilot nalang ako sa sintido,ang sakit ng ulo ko.

Nakakapagod na maghapon ,gusto kong magpahinga muna.
Kahit isang oras..
Tuloy tuloy ang pag dating ng sugatan ng aming nga pack member.

Nakakaubos ng lakas ...

Isang pag katok sa pinto ang aking narinig,kaya napaupo ulit ako ng ayos.

Inayos ko ang aking sarili bago nagsalita

Taken by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon