Safe

565 22 2
                                    

Nanghihinang nakasandal na ang likod ko sa aking kinauupuan para mapanatiling sumuporta saaking katawan

Kaunti nalang ... ,nasa pulsuhan ko na ang lason..

At ilang sandali,ubos na ang lahat...

At pakiramdam ko...mauubos narin ang dugo ko..

Ilang sandali pa,lumipas at sa huling patak ng lason sa aking dugo,mabilis kong binitawan ang pilak..
Natigil ang pag higop ng aking dugo palabas..

Nakulong ang mga lason sa tubig... ilang mahikang bulong pa akong ginawa ,sabay ihip sa taas ng tubig na itim,naging isang  malinaw ulit siyang tubig tulad ng dati..

"Lily!"tawag ko sa kanya

Segundo lang at nasa  harap ko na siya....
Malabo ang lahat ng nakikita ko.Hindi ko na magawang tingnan siya sa mukha sa panghihina..

Naramdaman ko ang pagtali niya sa aking  palad upang pigilan ang labas ng dugo..
Hindi na ito tulad kanina na sobrang lakas ng pagdurugo.

"Lily,itapon mo ang tubig...lason yan ng sa ganon mawalan ng bisa ang lason."

"Masusunod,Luna"

Pumikit na ako... Kailangan ko ng magpahinga..
Sa oras na muli akong gumising,uunahin ko ang paraan ng pag papanumbalik ng mga nawala kong dugo..

.........

"Lily Pov"

Sinunod ko ang bilin ng Luna..Isa nga siyang  doctor..

Nakakamangha na kaya niyang malagpasan ang tiyak niyang kamatayan.

Ang lason sobra nang nakakalat sa buo niyang katawan,pero napuksa niya ito...

Ngunit ang makita siyang nahihirapan,hindi ko kayang panoorin

Andaming dugo na nakakalat sa kanyang paligid ,na kahit ako hindi ko matingnan ng matagal.

Sa pagbabalik ko sa kanyang silid,nabitawan ko ang hawak kong dala dalang kagamitan.

Wala akong sinayang na oras,agad na nilapitan ko ang Luna ..wala na siyang malay..
At Hindi na maganda ang lagay niya.

"Kia! pumunta ka sa silid ng Luna,ngayon din! "tawag ko sa mindlink

Agad siyang tumugon 

Inihiga ko ng maayos ang Luna,at tinalian  ng mahigpit ang kanyang palad.

Nasaan na ba ang Alpha?! Kailangan siya ng Luna.

Ang kamay ko,nanginginig na sa aking nararamdaman.

Ilang tao lamang na naririto ang nakakaalam na nanangyayari sa totoong nangyayari sa Luna.

Kaming naatasan na tagapag bantay lamang ang nakakalapit sa Luna,upang maiwasan ang pag kakagulo ng buong pack namin.

"Alpha,pakiusap bumalik ka na"mindlink ko pero tulad kanina hindi parin siya maabot ng aking pagtawag

Biglang bumigat ang hangin sa paligid at alam ko ang pakiramdam na ito.

...Sa wakas na ririto na siya..

Tulad ng inaasahan,sa isang iglap nasa harap na namin si Alpha at kasama ang isang hindi kilalang panauhin.

Sino siya?
Sing bilis ng kidlat siyang nasa tabi na ng Luna..

Umaangil ang Alpha at sa tingin ko dahil sa sitwasyon niyang  nakikita niya ngayon.

Agad na tumungo ako.

"Ipaliwanag mo"gamit ang malamig niyang tinig na nag pahirapan saakin na huminga..
Pakiramdam ko nauubos ang hangin sa paligid.Dahil sa lakas na iniilalabas niyang lakas.

"Alpha,nilabanan ng mahal na Luna ang lason..Isa siyang pack doctor sa kaniyang pinagmulan..
Ginamot niya ang kanyang sarili upang mapuksa ang lason na kumakalat sa kanyang katawan..Ngunit nag dulot ito ng pagkukulang sa kanyang dugo.."
Paliwanag ko,habang nakayuko

"Bilisan mo ng kilos kong mahalaga pa ang iyong buhay"nanginig ako sa pag aakalang ako ang kanyang inuutusan

Pero ang kanyang panauhin ang sumagot at dali-daling kumilos ..patungo ito kay Luna.

Sa paglapat ng palad ng panauhin sa Luna ,agad na nag reak ang  Alpha.

Umangil ito bilang babala sa panauhin.

"Alpha,pakiusap...Hindi ko magagamot ang Luna kong magagalit kayo sa akin."sagot ng panauhin na may magalang at mahinahon na pananalita

"Tsk,magmadali ka...napaka kupad mo,tumatakbo ang oras"iniwas ng Alpha ang kanyang mga mata .

Naiintindihan ko naman ang Alpha ... nagiging mapagmasid na siya sa kanyang Luna.

Ilang minuto pa ang lumipas,ng tumayo na ang Panauhin.

"Ligtas na siya...pahinga na lamang at magiging maayos din ang lahat."

"Siguradohin mong ligtas siya,dahil sa oras na may pagkakamali ka.Hindi kita mapapatawad."umangil pa ang Alpha saka siya tinulak palayo sa Luna ang panauhin..

Palihim na napailing na lamang ako sa aking nasaksihan.

......

"Liveen Pov"

Ang init...bakit ang banas...?

Bakit ang init ngayon??
Pero masarap sa pakiramdam..
Iminulat ko ang aking mata ng nagtaka ako sa bumungad sa aking paningin..

Panandaliang natigilan ako at agad ring nagsalubong ang kilay...

Nasa harap ko siya  habang ang isang kamay ay ginagamit  tungkod upang itaas ang ulo niya habang nakaharap  sa akin.

"Layuan mo ako."ngunit sumilay ang ngiti sa kanyang labi na kinainis ko na nanaman sa kanya.

"Ito ba ang dapat na pagbungad sa iyong Alpha?"

Mabilis kong itinaas ang aking kamay at itinulak siya..
Pero agad na nasaktan ako ng maramdaman ko ang saking palad.

Napadaing tuloy ako sa sakit..doon ko lang naalala ang lahat ..
Ang palad na ginamitan ko ng pilak na kutsilyo upang ilabas ang lason.

Hindi talaga ito mag hihilom agad dahil sa pilak..Kahit pa na kalhating lobo lamang ako.
May epekto ito sakin.

Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa aking palad..
At nilapit sa kanyang labi..
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya..

"Anong ginagawa mo?"nahihiya kong bulyaw sa kanya..

"Isang halik para gumaling"

Lalo akong nahiya para doon...

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya
Mahinang hinila ang aking kamay,ngunit di ko magawa ..dahil hawak niya

"Hindi na ako bata para maniwala sa kalukohang ito..bitawan mo na dahil lalong sumasakit na ang palad ko."

Pero hindi niya ginawa ang sinabi ko bagkos lalo niya itong itinaas at dinala sa kanyang kaliwang pisngi..

Ang init ng kanyang mukha...
Nagkatingin siya sa aking mga mata habang ginagawa iyon ,at ako naman hindi ko rin maialis ang mata ko sa kanya.

Pero bumalik bigla ang alalang nakita ko sa pagsugod nila sa aming pack..

"Ano ba! bitawan mo ako!
"hinila ko ang aking kamay kahit na sumakit muli ito

Binitawan naman niya iyon..

Mali ito...galit ako sa kanya..
Kaya hindi dapat  magaan ang loob ko sa kanya.

Tumalikod ..
"Nais kong mapag-isa..."

Narinig ko ang pangbuntong hininga niya..

Wala na siyang sinabi pa,at naramdaman ko ang pag bukas at sara ng pinto.

Pabagsak akong humiga sa kama...
Tumingin ako sa taas ,..

Siya ang pinuno ng rouge,at pinag pipilitan niya akong maging mate niya..

Baliw na nga talaga siya..

Hintayin niya lamang akong makabawi ng lakas ,maiaalis ko ang aking pack dito..
Lalayo kami,at hihingin ang tulong ng kaharian..


















Taken by HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon